The Quran in Filipino - Surah Humazah translated into Filipino, Surah Al-Humazah in Filipino. We provide accurate translation of Surah Humazah in Filipino - الفلبينية, Verses 9 - Surah Number 104 - Page 601.
وَيْلٌ لِّكُلِّ هُمَزَةٍ لُّمَزَةٍ (1) Kasumpa-sumpa (sa kaparusahan) ang bawat makakating dila na naninirang puri at yumuyurak sa talikuran |
الَّذِي جَمَعَ مَالًا وَعَدَّدَهُ (2) Na nagsasalansan at nagtitipon ng mga kayamanan |
يَحْسَبُ أَنَّ مَالَهُ أَخْلَدَهُ (3) Na nagpapalagay na ang kanyang kayamanan ay makakapagpahaba ng kanyang buhay nang walang hanggan |
كَلَّا ۖ لَيُنبَذَنَّ فِي الْحُطَمَةِ (4) Walang pagsala! Katotohanang siya ay ihahagis sa dumudurog na Apoy |
وَمَا أَدْرَاكَ مَا الْحُطَمَةُ (5) At ano nga ba ang makakapagpahiwatig sa iyo kung ano ang dumudurog na Apoy |
نَارُ اللَّهِ الْمُوقَدَةُ (6) Ito ang Apoy ng Poot ni Allah na Naglalagablab ang Ningas |
الَّتِي تَطَّلِعُ عَلَى الْأَفْئِدَةِ (7) Na sasadlak sa puso (ng mga tao) |
إِنَّهَا عَلَيْهِم مُّؤْصَدَةٌ (8) Katotohanang ito ang lulukob sa kanila |
فِي عَمَدٍ مُّمَدَّدَةٍ (9) Sa mga haligi sa mahabang hanay (alalong baga, sila ay paparusahan sa Apoy na may mga haligi, higaan, atbp) |