إِذَا السَّمَاءُ انفَطَرَتْ (1) Kung ang kalangitan ay magbitak sa pagkalansag |
وَإِذَا الْكَوَاكِبُ انتَثَرَتْ (2) At kung ang mga bituin (at buntala) ay mahulog at magsipangalat |
وَإِذَا الْبِحَارُ فُجِّرَتْ (3) At kung ang karagatan ay sumabog sa pag- agos (at matuyuan ng tubig) |
وَإِذَا الْقُبُورُ بُعْثِرَتْ (4) At kung ang mga libingan ay bumaligtad (upang iluwa ang kanilang laman) |
عَلِمَتْ نَفْسٌ مَّا قَدَّمَتْ وَأَخَّرَتْ (5) (Sa gayon), ang bawat tao (kaluluwa) ay makakaalam kung ano ang kanyang ipinadala at (kung ano) ang kanyang iniwan (na masama at mabuti) |
يَا أَيُّهَا الْإِنسَانُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ الْكَرِيمِ (6) o Tao! Ano ang nagtulak sa iyo upang magwalang bahala sa iyong Panginoon, ang Tigib ng Biyaya |
الَّذِي خَلَقَكَ فَسَوَّاكَ فَعَدَلَكَ (7) Na lumikha sa iyo, at humubog sa iyo ng ganap, at nagbigay sa iyo ng angkop na sukat |
فِي أَيِّ صُورَةٍ مَّا شَاءَ رَكَّبَكَ (8) Sa anumang anyo na Kanyang naisin, ikaw ay Kanyang inilagay na magkasama (sa katawan, isipan, ispiritwal, atbp) |
كَلَّا بَلْ تُكَذِّبُونَ بِالدِّينِ (9) Hindi! Datapuwa’t itinatwa ninyo ang Araw ng Kabayaran (gantimpala sa mabubuting gawa at kaparusahan sa masasamang gawa) |
وَإِنَّ عَلَيْكُمْ لَحَافِظِينَ (10) Datapuwa’t katotohanan na may mga anghel na nangangalaga sa inyo (upang magsulit) |
كِرَامًا كَاتِبِينَ (11) Kiraman Katibin, (mabuti at kapuri-puri [sa Paningin ni Allah]), na nagtatala (ng inyong mga gawa) |
يَعْلَمُونَ مَا تَفْعَلُونَ (12) Batid nila ang (lahat) ninyong ginagawa |
إِنَّ الْأَبْرَارَ لَفِي نَعِيمٍ (13) Katotohanan, ang Abrar (mga matutuwid at matimtimang tao), sasakanila ang Kaligayahan (sa Paraiso) |
وَإِنَّ الْفُجَّارَ لَفِي جَحِيمٍ (14) At katotohanan, ang Fujjar (mga tampalasan, walang pananampalataya, makasalanan at mapaggawa ng kabuktutan), sasakanila ang Naglalagablab na Apoy (ng Impiyerno) |
يَصْلَوْنَهَا يَوْمَ الدِّينِ (15) Sila ay magsisipasok dito upang lasapin ang nag-aapoy na ningas sa Araw ng Kabayaran |
وَمَا هُمْ عَنْهَا بِغَائِبِينَ (16) At sila (na mga Fujjar) ay hindi mawawala rito (alalaong baga, hindi sila makakatakas sa Impiyerno) |
وَمَا أَدْرَاكَ مَا يَوْمُ الدِّينِ (17) At ano ang makakapaghantong sa iyo upang maalaman kung ano ang Araw ng Kabayaran |
ثُمَّ مَا أَدْرَاكَ مَا يَوْمُ الدِّينِ (18) At muli, ano ang makakapaghantong sa iyo upang maalaman kung ano ang Araw ng Kabayaran |
يَوْمَ لَا تَمْلِكُ نَفْسٌ لِّنَفْسٍ شَيْئًا ۖ وَالْأَمْرُ يَوْمَئِذٍ لِّلَّهِ (19) (Ito ang) Araw na walang sinumang tao (kaluluwa) ang may anumamg kapangyarihan (upang makagawa) ng kahit na ano sa ibang tao (kaluluwa). At sa Araw na ito, tanging kay Allah lamang ang Lubos na Pag-uutos at Pasya |