إِذَا السَّمَاءُ انشَقَّتْ (1) Kung ang langit (alapaap) ay lansag-lansag na mabiyak |
وَأَذِنَتْ لِرَبِّهَا وَحُقَّتْ (2) At duminig sa (pag-uutos ng) kanyang Panginoon, at marapat na gumawa (nito) |
وَإِذَا الْأَرْضُ مُدَّتْ (3) At kung ang kalupaan ay unatin at patagin |
وَأَلْقَتْ مَا فِيهَا وَتَخَلَّتْ (4) Atiluwaniyanglahatangkanyanglamanatmaging hungkag |
وَأَذِنَتْ لِرَبِّهَا وَحُقَّتْ (5) At duminig at tumalima sa kanyang Panginoon, at marapat na gumawa (nito) |
يَا أَيُّهَا الْإِنسَانُ إِنَّكَ كَادِحٌ إِلَىٰ رَبِّكَ كَدْحًا فَمُلَاقِيهِ (6) O tao! Katotohanang ikaw ay magbabalik patungo sa iyong Panginoon –na kasama ang iyong mga gawa (mabuti man at masama), isang tiyak na pagbabalik, kaya’t iyong matatagpuan (ang bunga ng iyong mga ginawa) |
فَأَمَّا مَنْ أُوتِيَ كِتَابَهُ بِيَمِينِهِ (7) At siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang kanang kamay |
فَسَوْفَ يُحَاسَبُ حِسَابًا يَسِيرًا (8) Katiyakan na tatanggap siya ng magaan na pagbabalik-tanaw |
وَيَنقَلِبُ إِلَىٰ أَهْلِهِ مَسْرُورًا (9) At siya ay magbabalik sa kanyang pamayanan na lubhang nagagalak |
وَأَمَّا مَنْ أُوتِيَ كِتَابَهُ وَرَاءَ ظَهْرِهِ (10) Datapuwa’t siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang likuran |
فَسَوْفَ يَدْعُو ثُبُورًا (11) walang pagsala! Siya ay maninikluhod sa kanyang pagkawasak |
وَيَصْلَىٰ سَعِيرًا (12) At siya ay papasok sa Nag-aalimpuyong Apoy upang lasapin ang kanyang lagablab |
إِنَّهُ كَانَ فِي أَهْلِهِ مَسْرُورًا (13) Katotohanan! Siya ay namuhay sa kanyang pamayanan na maligaya (at walang pangamba) |
إِنَّهُ ظَنَّ أَن لَّن يَحُورَ (14) Katotohanang itinuring niya na hindi siya kailanman babalik (sa Amin) |
بَلَىٰ إِنَّ رَبَّهُ كَانَ بِهِ بَصِيرًا (15) Hindi! Katotohanan, ang kanyang Panginoon ay lagi nang nagmamasid sa kanya |
فَلَا أُقْسِمُ بِالشَّفَقِ (16) Kaya tatawagin (Namin) upang sumaksi ang mapanglaw (na kulay) ng takipsilim |
وَاللَّيْلِ وَمَا وَسَقَ (17) At ang gabi sa kanyang nananawagang dilim at anumang kanyang tinitipon |
وَالْقَمَرِ إِذَا اتَّسَقَ (18) At ang buwan sa kanyang kabilugan |
لَتَرْكَبُنَّ طَبَقًا عَن طَبَقٍ (19) Katiyakang ikaw ay maglalakbay sa magkakaibang antas (sa buhay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay) |
فَمَا لَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ (20) Ano ang nagpapagulo sa kanila at sila ay hindi sumasampalataya |
وَإِذَا قُرِئَ عَلَيْهِمُ الْقُرْآنُ لَا يَسْجُدُونَ ۩ (21) At kung ang Qur’an ay ipinahahayag sa kanila, sila ay hindi nagpapatirapa (sa kapakumbabaan) |
بَلِ الَّذِينَ كَفَرُوا يُكَذِّبُونَ (22) Bagkus, sa kabalintunaan, ang mga hindi sumasampalataya ay nagtatakwil (dito) |
وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا يُوعُونَ (23) Datapuwa’t talastas ni Allah ang lahat ng ikinukubli (ng kanilang puso, mabuti man o masama) |
فَبَشِّرْهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ (24) Kaya’t ipahayag sa kanila ang Kasakit-sakit na Kaparusahan |
إِلَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ أَجْرٌ غَيْرُ مَمْنُونٍ (25) Maliban sa mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, katotohanang tatanggapin nila ang Gantimpala na hindi magmamaliw (Paraiso) |