The Quran in Filipino - Surah An Nas translated into Filipino, Surah An-Nas in Filipino. We provide accurate translation of Surah An Nas in Filipino - الفلبينية, Verses 6 - Surah Number 114 - Page 604.
قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ النَّاسِ (1) Ipagbadya: Ako ay naghahanap ng Kaligtasan (kay Allah), ang Panginoon at Tagapagtangkilik ng sangkatauhan |
مَلِكِ النَّاسِ (2) Ang Hari (o Tagapamahala) ng sangkatauhan |
إِلَٰهِ النَّاسِ (3) Ang Ilah (diyos) ng sangkatauhan |
مِن شَرِّ الْوَسْوَاسِ الْخَنَّاسِ (4) Mula sa kasamaan at kabuktutan ng isang bumubulong (ang demonyo na bumubulong sa puso ng mga tao), na kagyat na lumilisan sa kanyang pagbulong (sa puso ng tao, kung ang binubulungan ay nakaala-ala kay Allah) |
الَّذِي يُوَسْوِسُ فِي صُدُورِ النَّاسِ (5) Na bumubulong sa mga dibdib ng sangkatauhan |
مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ (6) Ng mga Jinn (mga nilikha ni Allah na katulad ng mga tao na may kalayaan na sumunod o sumuway sa pag-uutos ni Allah, datapuwa’t nakalingid sa atin), at mga Tao. [Tunghayan ang Surah 72 (Al-Jinn) para sa karagdagang kaalaman |