×

Surah Al-Maarij in Filipino

Quran Filipino ⮕ Surah Maarij

Translation of the Meanings of Surah Maarij in Filipino - الفلبينية

The Quran in Filipino - Surah Maarij translated into Filipino, Surah Al-Maarij in Filipino. We provide accurate translation of Surah Maarij in Filipino - الفلبينية, Verses 44 - Surah Number 70 - Page 568.

بسم الله الرحمن الرحيم

سَأَلَ سَائِلٌ بِعَذَابٍ وَاقِعٍ (1)
Ang isang nagtatanong ay nagtanong tungkol sa Kaparusahan na napipinto
لِّلْكَافِرِينَ لَيْسَ لَهُ دَافِعٌ (2)
Sa mga hindi sumasampalataya, na walang sinuman ang makakahadlang
مِّنَ اللَّهِ ذِي الْمَعَارِجِ (3)
(Isang Kaparusahan) mula kay Allah, ang Panginoon ng mga daan ng Pag-akyat
تَعْرُجُ الْمَلَائِكَةُ وَالرُّوحُ إِلَيْهِ فِي يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهُ خَمْسِينَ أَلْفَ سَنَةٍ (4)
Ang mga anghel at ang ruh (Gabriel) ay umaakyat sa Kanya sa loob ng isang araw, na ang katumbas noon ay limampung taon
فَاصْبِرْ صَبْرًا جَمِيلًا (5)
Kaya’t maging matiyaga ka (o Muhammad ), sa pagtitiyaga na may magandang maaasam
إِنَّهُمْ يَرَوْنَهُ بَعِيدًا (6)
Katotohanang napag-aakala nila na ang Araw (ng Kaparusahan) ay malayo sa pangyayari
وَنَرَاهُ قَرِيبًا (7)
Datapuwa’t napagmamalas Namin ito na (lubhang) malapit na
يَوْمَ تَكُونُ السَّمَاءُ كَالْمُهْلِ (8)
Sa Araw na ang himpapawid (alapaap) ay matutulad sa maruming langis na kumukulo (o naaagnas na tanso o pilak, atbp)
وَتَكُونُ الْجِبَالُ كَالْعِهْنِ (9)
At ang kabundukan ay matutulad sa maninipis na himaymay ng lana
وَلَا يَسْأَلُ حَمِيمٌ حَمِيمًا (10)
At walang kaibigan ang magtatanong sa isang kaibigan
يُبَصَّرُونَهُمْ ۚ يَوَدُّ الْمُجْرِمُ لَوْ يَفْتَدِي مِنْ عَذَابِ يَوْمِئِذٍ بِبَنِيهِ (11)
Bagama’t sila ay biniyayaan na magkatinginan sa isa’t isa (alalaong baga, sa Araw ng Muling Pagkabuhay ang lahat ay makakakilala sa kanyang ama, mga anak at mga kamag-anak, datapuwa’t siya ay hindi mangungusap sa kanila o hihingi sa kanila ng tulong). Ang ninanais ng Mujrimun (mga makasalanan, kriminal, walang pananalig kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad, atbp.) sa Araw na yaon ay matubos niya ang kanyang sarili sa Kaparusahan na ang kabayaran ay ang kanyang mga anak
وَصَاحِبَتِهِ وَأَخِيهِ (12)
At kanyang asawa at kanyang kapatid
وَفَصِيلَتِهِ الَّتِي تُؤْوِيهِ (13)
At kanyang kamag-anak na nagbigay sa kanya ng masisilungan
وَمَن فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا ثُمَّ يُنجِيهِ (14)
At ng lahat-lahat ng nasa kalupaan; kung ito ang makakapagligtas sa kanya
كَلَّا ۖ إِنَّهَا لَظَىٰ (15)
Sa anumang kaparaanan, ito ay walang saysay! Katotohanang ito ay Apoy ng Impiyerno
نَزَّاعَةً لِّلشَّوَىٰ (16)
Na bumubunot (sa ganap na pagkatupok) ng anit
تَدْعُو مَنْ أَدْبَرَ وَتَوَلَّىٰ (17)
At tumatawag: “O mga Kafir (walang paniniwala kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang Aklat, sa Kanyang mga Tagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa Qadar [maka-Diyos na kahihinatnan]) at, O mga Mushrik (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah) na nag-aanyaya sa kanilang lahat na magsitalikod ( sa katotohanan ) at naglihis ng kanilang mukha (sa Pananampalataya).”
وَجَمَعَ فَأَوْعَىٰ (18)
At nagsipagtipon (ng mga kayamanan) at nagtago nito (tutol sa paggugol tungo sa Kapakanan ni Allah)
۞ إِنَّ الْإِنسَانَ خُلِقَ هَلُوعًا (19)
Katotohanan, ang tao (na walang pananalig) ay nilikha na lubhang mainipin (walang pasensya)
إِذَا مَسَّهُ الشَّرُّ جَزُوعًا (20)
Na naiinis (walang kasiyahan) kung ang kasamaaan ay sumaling sa kanya
وَإِذَا مَسَّهُ الْخَيْرُ مَنُوعًا (21)
At lubhang gahaman kung ang kasaganaan ay dumatal sa kanya
إِلَّا الْمُصَلِّينَ (22)
Maliban sa mga matimtiman sa pananalangin
الَّذِينَ هُمْ عَلَىٰ صَلَاتِهِمْ دَائِمُونَ (23)
Sila na namamalagi sa kanilang pagdalangin
وَالَّذِينَ فِي أَمْوَالِهِمْ حَقٌّ مَّعْلُومٌ (24)
At sa kanilang kayamanan ay mayroong nakalaan
لِّلسَّائِلِ وَالْمَحْرُومِ (25)
Sa mga pulubi na humihingi at sa mga sawimpalad na nawalan ng ari-arian at kayamanan (at ang pinanggagalingan ng kanyang ikabubuhay ay naghigpit o umunti)
وَالَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوْمِ الدِّينِ (26)
At sila na nananangan sa katotohanan ng Araw ng Paghuhukom o Kabayaran
وَالَّذِينَ هُم مِّنْ عَذَابِ رَبِّهِم مُّشْفِقُونَ (27)
At sila na may pangangamba sa Kaparusahan ng kanilang Panginoon
إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمْ غَيْرُ مَأْمُونٍ (28)
SapagkatangKaparusahanngkanilangPanginoonayisang bagay na kabaligtaran ng kapayapaan at katahimikan
وَالَّذِينَ هُمْ لِفُرُوجِهِمْ حَافِظُونَ (29)
At sila na nagpapanatili ng kanilang kalinisan (sa kapurihan, at umiiwas sa bawal na pakikipagtalik)
إِلَّا عَلَىٰ أَزْوَاجِهِمْ أَوْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُمْ فَإِنَّهُمْ غَيْرُ مَلُومِينَ (30)
Maliban sa kanilang mga asawa at sa mga (babaeng alipin) na angkin ng kanilang kanang kamay, (dito) sila ay hindi susumbatan
فَمَنِ ابْتَغَىٰ وَرَاءَ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْعَادُونَ (31)
Datapuwa’t ang sinuman na magnais ng higit pa rito, kung gayon, sila ang tunay na lumalabag (sa kautusan)
وَالَّذِينَ هُمْ لِأَمَانَاتِهِمْ وَعَهْدِهِمْ رَاعُونَ (32)
At sila na nagpapanatili ng kanilang mga pangako at kasunduan
وَالَّذِينَ هُم بِشَهَادَاتِهِمْ قَائِمُونَ (33)
At sila na naninindigan nang matatag sa kanilang mga patotoo
وَالَّذِينَ هُمْ عَلَىٰ صَلَاتِهِمْ يُحَافِظُونَ (34)
At sila na nagbabantay sa kanilang pagdalangin nang mainam
أُولَٰئِكَ فِي جَنَّاتٍ مُّكْرَمُونَ (35)
Sila nga ang papupurihan at magsisitahan sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso)
فَمَالِ الَّذِينَ كَفَرُوا قِبَلَكَ مُهْطِعِينَ (36)
Kaya’t ano ang nagpapagulo sa mga hindi sumasampalataya at nagmamadali (alumpihit) na makinig sa iyo (o Muhammad), upang ikaw ay kanilang pasinungalingan at kutyain, at (gayundin) sa Aklat ni Allah (ang Qur’an)
عَنِ الْيَمِينِ وَعَنِ الشِّمَالِ عِزِينَ (37)
(Na nakaupo) sa mga pangkat, sa iyong kanan at sa iyong kaliwa (o Muhammad)
أَيَطْمَعُ كُلُّ امْرِئٍ مِّنْهُمْ أَن يُدْخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٍ (38)
At bawat isa kaya sa kanila ay umaasam na makakapasok sa Hardin ng Kaligayahan (Paraiso)
كَلَّا ۖ إِنَّا خَلَقْنَاهُم مِّمَّا يَعْلَمُونَ (39)
Hindi, sa anupamang kaparaanan! Sila ay nilikha Namin mula sa sangkap na kanilang batid
فَلَا أُقْسِمُ بِرَبِّ الْمَشَارِقِ وَالْمَغَارِبِ إِنَّا لَقَادِرُونَ (40)
Narito! Ako ay nananawagan upang saksihan ang Panginoon ng lahat ng lugar sa Silangan at Kanluran, na katiyakang Aming magagawa
عَلَىٰ أَن نُّبَدِّلَ خَيْرًا مِّنْهُمْ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوقِينَ (41)
Na palitan sila (sa pamamagitan ng iba) ng higit na mainam kaysa kanila; at Kami ay hindi nila magagapi sa Aming kapasiyahan
فَذَرْهُمْ يَخُوضُوا وَيَلْعَبُوا حَتَّىٰ يُلَاقُوا يَوْمَهُمُ الَّذِي يُوعَدُونَ (42)
Kaya’t hayaan sila na malubog sa walang saysay na pag- uusap at palibot-libot na paglalaro, hanggang sa sapitin nila ang Araw na sa kanila ay ipinangako
يَوْمَ يَخْرُجُونَ مِنَ الْأَجْدَاثِ سِرَاعًا كَأَنَّهُمْ إِلَىٰ نُصُبٍ يُوفِضُونَ (43)
Sa Araw na sila ay magsisilabas sa kanilang libingan na nagmamadali, na katulad ng pag-uunahan (karera) na marating ang punong pananda
خَاشِعَةً أَبْصَارُهُمْ تَرْهَقُهُمْ ذِلَّةٌ ۚ ذَٰلِكَ الْيَوْمُ الَّذِي كَانُوا يُوعَدُونَ (44)
Na ang kanilang mga mata ay nakatungo sa lupa sa pangamba at pagkaaba, ang kahihiyan ang lumulukob sa kanila (ng buo). Ito ang Araw na sa kanila ay ipinangako! 910 ProPetA noe
❮ Previous Next ❯

Surahs from Quran :

1- Fatiha2- Baqarah
3- Al Imran4- Nisa
5- Maidah6- Anam
7- Araf8- Anfal
9- Tawbah10- Yunus
11- Hud12- Yusuf
13- Raad14- Ibrahim
15- Hijr16- Nahl
17- Al Isra18- Kahf
19- Maryam20- TaHa
21- Anbiya22- Hajj
23- Muminun24- An Nur
25- Furqan26- Shuara
27- Naml28- Qasas
29- Ankabut30- Rum
31- Luqman32- Sajdah
33- Ahzab34- Saba
35- Fatir36- Yasin
37- Assaaffat38- Sad
39- Zumar40- Ghafir
41- Fussilat42- shura
43- Zukhruf44- Ad Dukhaan
45- Jathiyah46- Ahqaf
47- Muhammad48- Al Fath
49- Hujurat50- Qaf
51- zariyat52- Tur
53- Najm54- Al Qamar
55- Rahman56- Waqiah
57- Hadid58- Mujadilah
59- Al Hashr60- Mumtahina
61- Saff62- Jumuah
63- Munafiqun64- Taghabun
65- Talaq66- Tahrim
67- Mulk68- Qalam
69- Al-Haqqah70- Maarij
71- Nuh72- Jinn
73- Muzammil74- Muddathir
75- Qiyamah76- Insan
77- Mursalat78- An Naba
79- Naziat80- Abasa
81- Takwir82- Infitar
83- Mutaffifin84- Inshiqaq
85- Buruj86- Tariq
87- Al Ala88- Ghashiya
89- Fajr90- Al Balad
91- Shams92- Lail
93- Duha94- Sharh
95- Tin96- Al Alaq
97- Qadr98- Bayyinah
99- Zalzalah100- Adiyat
101- Qariah102- Takathur
103- Al Asr104- Humazah
105- Al Fil106- Quraysh
107- Maun108- Kawthar
109- Kafirun110- Nasr
111- Masad112- Ikhlas
113- Falaq114- An Nas