وَالْفَجْرِ (1) Sa pamamagitan ng Bukang Liwayway |
وَلَيَالٍ عَشْرٍ (2) Sa pamamagitan ng sampung gabi (alalaong baga, ang unang sampung araw ng buwan ng Dhul-Hijja) |
وَالشَّفْعِ وَالْوَتْرِ (3) Sa pamamagitan (ng bilang) na pantay at gansal (sa lahat ng mga nilalang ni Allah) |
وَاللَّيْلِ إِذَا يَسْرِ (4) At sa pamamagitan ng gabi kung ito ay lumilipas |
هَلْ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٌ لِّذِي حِجْرٍ (5) Katotohanang narito (sa mga sumpang pahayag) ang sapat na katibayan sa mga tao na may ganap na pang-unawa (at dahil dito, sila ay marapat na umiwas sa lahat ng mga kasalanan at kawalang pananalig, atbp) |
أَلَمْ تَرَ كَيْفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ (6) Hindi mo ba namamalas ([o napagtatanto] O Muhammad) kung paano itinuring ng iyong Panginoon ang angkan ni A’ad |
إِرَمَ ذَاتِ الْعِمَادِ (7) Ng lunsod ng Imran, na may matataas na haligi |
الَّتِي لَمْ يُخْلَقْ مِثْلُهَا فِي الْبِلَادِ (8) Ang katulad nito ay hindi ginawa sa (lahat) ng lupain |
وَثَمُودَ الَّذِينَ جَابُوا الصَّخْرَ بِالْوَادِ (9) At sa angkan ni Thamud na bumabaak ng malalaking bato sa paanan ng bundok (upang gawing tirahan) |
وَفِرْعَوْنَ ذِي الْأَوْتَادِ (10) At kay Paraon na may mga talasok (na nagpapahirap sa mga tao sa pamamagitan ng pagtatali sa mga talasok) |
الَّذِينَ طَغَوْا فِي الْبِلَادِ (11) Na nagmalabis sa lahat ng hangganan ng kalupaan (sa pagsuway kay Allah) |
فَأَكْثَرُوا فِيهَا الْفَسَادَ (12) At nagsagawa rito ng napakaraming kabuktutan |
فَصَبَّ عَلَيْهِمْ رَبُّكَ سَوْطَ عَذَابٍ (13) Kaya’t ang iyong Panginoon ay naggawad sa kanila ng iba’t ibang uri ng kaparusahan |
إِنَّ رَبَّكَ لَبِالْمِرْصَادِ (14) Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Laging Nagmamasid (sa kanila) |
فَأَمَّا الْإِنسَانُ إِذَا مَا ابْتَلَاهُ رَبُّهُ فَأَكْرَمَهُ وَنَعَّمَهُ فَيَقُولُ رَبِّي أَكْرَمَنِ (15) At ang tao, kung siya ay subukan ng (kanyang) Panginoon at gawaran ng biyaya at karangalan; kanyang sasalitain (ng may pagmamalaki): “Ang aking Panginoon ay nagparangal sa akin!” |
وَأَمَّا إِذَا مَا ابْتَلَاهُ فَقَدَرَ عَلَيْهِ رِزْقَهُ فَيَقُولُ رَبِّي أَهَانَنِ (16) Datapuwa’t ang tao, kung siya ay Kanyang subukan at higpitan ang pinagkukunan ng kanyang biyaya; kanyang sasalitain (sa kawalang pag-asa): “Ang aking Panginoon ay humamak (umaba) sa akin!” |
كَلَّا ۖ بَل لَّا تُكْرِمُونَ الْيَتِيمَ (17) Hindi! Katotohanang ikaw ay hindi lumilingap sa mga ulila (maging ang pakitunguhan sila ng mabuti, o ipagkaloob sa kanila ang nararapat nilang mana) |
وَلَا تَحَاضُّونَ عَلَىٰ طَعَامِ الْمِسْكِينِ (18) At walang malasakit na pakainin ang naghihikahos |
وَتَأْكُلُونَ التُّرَاثَ أَكْلًا لَّمًّا (19) At kinamkammoang(kanilang) pamana, anglahat- sapagiging gahaman |
وَتُحِبُّونَ الْمَالَ حُبًّا جَمًّا (20) At nagmamahal ka sa iyong kayamanan ng labis-labis na pagmamahal |
كَلَّا إِذَا دُكَّتِ الْأَرْضُ دَكًّا دَكًّا (21) Hindi! Kung ang kalupaan ay durugin ng pinung-pino |
وَجَاءَ رَبُّكَ وَالْمَلَكُ صَفًّا صَفًّا (22) At ang iyong Panginoon ay pumarito na kasama ng pangkat-pangkat na anghel |
وَجِيءَ يَوْمَئِذٍ بِجَهَنَّمَ ۚ يَوْمَئِذٍ يَتَذَكَّرُ الْإِنسَانُ وَأَنَّىٰ لَهُ الذِّكْرَىٰ (23) At ang Impiyerno, sa Araw na ito ay matatambad ng malapit. Sa Araw na ito, ang tao ay makakaala-ala, datapuwa’t paano kaya na ang gayong pag-aala-ala ay makakatulong sa kanya |
يَقُولُ يَا لَيْتَنِي قَدَّمْتُ لِحَيَاتِي (24) Siya ay magsasabi: “Ah! Sana ay pinaghandaan ko ito (ng mabubuting gawa) tungo sa aking darating na (ibang) buhay!” |
فَيَوْمَئِذٍ لَّا يُعَذِّبُ عَذَابَهُ أَحَدٌ (25) Sa Araw na ito, ang Kanyang kaparusahan (ng sakit at lumbay) ay hindi maipadadama ng sinuman (maliban sa Kanya) |
وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُ أَحَدٌ (26) At ang Kanyang paggapos (sa piitan) ay hindi maipadadama ng sinuman (maliban sa Kanya) |
يَا أَيَّتُهَا النَّفْسُ الْمُطْمَئِنَّةُ (27) (At sa mabubuting kaluluwa ay ipagbabadya): “o (ikaw na) kaluluwa, sa (ganap) na kapahingahan at kasiyahan |
ارْجِعِي إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةً مَّرْضِيَّةً (28) Magbalik ka sa iyong Panginoon, na nalulugod (sa iyong sarili) at iyong tamasahin ang Kanyang lugod |
فَادْخُلِي فِي عِبَادِي (29) Halika, pumasok ka sa lipon ng Aking mararangal na alipin |
وَادْخُلِي جَنَّتِي (30) Katotohanan, pumasok ka sa Aking Langit (Paraiso)!” |