وَاللَّيْلِ إِذَا يَغْشَىٰ (1) Sa pamamagitan ng Gabi habang lumulukob (sa liwanag) |
وَالنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ (2) At sa pamamagitan ng Araw habang ito ay namamanaag sa pagsikat |
وَمَا خَلَقَ الذَّكَرَ وَالْأُنثَىٰ (3) At sa pamamagitan Niya na lumikha ng lalaki at babae |
إِنَّ سَعْيَكُمْ لَشَتَّىٰ (4) Katotohanan, ang inyong pinagsusumikapan at mga gawa ay magkakaiba (sa layunin) |
فَأَمَّا مَنْ أَعْطَىٰ وَاتَّقَىٰ (5) At sa kanya na nagbibigay (sa kawanggawa) at nananampalataya at may pangangamba kay Allah |
وَصَدَّقَ بِالْحُسْنَىٰ (6) At (buong katapatan) na nananampalataya sa Al-Husna (ang Pinakamainam, alalaong baga, isang gantimpala mula kay Allah, na si Allah ang magbabayad sa anumang kanyang ginugol tungo sa Kapakanan ni Allah o maggagawad sa kanya ng Paraiso) |
فَسَنُيَسِّرُهُ لِلْيُسْرَىٰ (7) Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kaluwalhatian |
وَأَمَّا مَن بَخِلَ وَاسْتَغْنَىٰ (8) Datapuwa’t siya na makasarili at mapag-imbot at nagpapalagay na may sarili siyang kasapatan (alalaong baga, na nasa kanya ang lahat ng bagay) |
وَكَذَّبَ بِالْحُسْنَىٰ (9) At hindi nananangan sa Al-Husna (ang Pinakamainam na gantimpalang manggagaling kay Allah, tingnan ang Talata bilang) |
فَسَنُيَسِّرُهُ لِلْعُسْرَىٰ (10) Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kapariwaraan |
وَمَا يُغْنِي عَنْهُ مَالُهُ إِذَا تَرَدَّىٰ (11) At anong kapakinabangan ang maidudulot sa kanya ng kanyang kayamanan sa sandaling siya ay ibulid sa Balon (ng Apoy ng Impiyerno) |
إِنَّ عَلَيْنَا لَلْهُدَىٰ (12) Katotohanan! Nasa sa Amin ang pagbibigay ng 962 Patnubay |
وَإِنَّ لَنَا لَلْآخِرَةَ وَالْأُولَىٰ (13) At Katotohanang Kami ang nagtataglay (ng kapamahalaan) ng Katapusan (Kabilang Buhay) at ng Simula (ang Buhay sa mundong ito) |
فَأَنذَرْتُكُمْ نَارًا تَلَظَّىٰ (14) Kaya’t kayo ay Aking binabalaan ng Naglalagablab at Umaalimpuyong Apoy (Impiyerno) |
لَا يَصْلَاهَا إِلَّا الْأَشْقَى (15) walang ibang papasok dito maliban sa mga tampalasan |
الَّذِي كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ (16) Na nagpapasinungaling sa Katotohanan at tumatalikod |
وَسَيُجَنَّبُهَا الْأَتْقَى (17) Datapuwa’t sa Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na tao na lubos na sumasampalataya kay Allah), ay malayo rito (Impiyerno) |
الَّذِي يُؤْتِي مَالَهُ يَتَزَكَّىٰ (18) Sila na gumugugol ng kanilang kayamanan upang magkamit ng kadalisayan (sa kanilang sarili) |
وَمَا لِأَحَدٍ عِندَهُ مِن نِّعْمَةٍ تُجْزَىٰ (19) At wala siyang iniisip na pag-asam ng ganti sa sinuman (na kanyang dinamayan) |
إِلَّا ابْتِغَاءَ وَجْهِ رَبِّهِ الْأَعْلَىٰ (20) Maliban lamang sa kanyang hangarin na mapaghanap ang Bukas na Mukha ng kanyang Panginoon, ang Kataas-taasan |
وَلَسَوْفَ يَرْضَىٰ (21) Katiyakang Siya ay malulugod (kung siya ay papasok na sa Paraiso). BAgo tumAnghAli |