اقْرَأْ بِاسْمِ رَبِّكَ الَّذِي خَلَقَ (1) Ipahayag!SaNgalanngiyongPanginoonatTagapagtaguyod na lumikha sa lahat ng bagay |
خَلَقَ الْإِنسَانَ مِنْ عَلَقٍ (2) Na lumikha sa tao mula sa namuong patak ng dugo |
اقْرَأْ وَرَبُّكَ الْأَكْرَمُ (3) Ipahayag! Ang iyong Panginoon ang Pinakamapagbigay |
الَّذِي عَلَّمَ بِالْقَلَمِ (4) Na nagturo sa tao (ng pagsulat) sa pamamagitan ng panulat (ang unang tao na sumulat ay si Propeta Idris [Enoch) |
عَلَّمَ الْإِنسَانَ مَا لَمْ يَعْلَمْ (5) Na nagturo sa tao ng hindi niya nalalaman |
كَلَّا إِنَّ الْإِنسَانَ لَيَطْغَىٰ (6) Hindi! Katotohanan, ang tao ay lumabag sa lahat ng hangganan (ng pagsuway, kawalan ng pananalig at kasamaan, atbp) |
أَن رَّآهُ اسْتَغْنَىٰ (7) Sapagkat itinuturing niya ang kanyang sarili na may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anumang tulong) |
إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ الرُّجْعَىٰ (8) Katiyakan! Sa iyong Panginoon ang pagbabalik (ng lahat) |
أَرَأَيْتَ الَّذِي يَنْهَىٰ (9) Nakikita mo ba (o Muhammad) siya na humahadlang (alalaong baga, si Abu Jahl) |
عَبْدًا إِذَا صَلَّىٰ (10) Sa isang alipin (Muhammad) kung siya ay nananalangin |
أَرَأَيْتَ إِن كَانَ عَلَى الْهُدَىٰ (11) Sabihin mo sa akin, kung siya (Muhammad) ay nasa patnubay (ni Allah) |
أَوْ أَمَرَ بِالتَّقْوَىٰ (12) o nagtatagubilin sa kabanalan |
أَرَأَيْتَ إِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ (13) Sabihin mo sa akin kung siya (na walang pananalig, si Abu Jahl) ay nagtatatwa (sa Katotohanan, alalaong baga sa Qur’an), at tumatalikod |
أَلَمْ يَعْلَم بِأَنَّ اللَّهَ يَرَىٰ (14) Hindi baga niya nababatid na si Allah ang nakakamasid (ng kanyang ginagawa) |
كَلَّا لَئِن لَّمْ يَنتَهِ لَنَسْفَعًا بِالنَّاصِيَةِ (15) Hindi! Kung siya (Abu Jahl) ay hindi titigil, Aming kakaladkarin siya sa kanyang buhok na nakalawit sa noo |
نَاصِيَةٍ كَاذِبَةٍ خَاطِئَةٍ (16) Isang nagsisinungaling at makasalanang buhok na nakalawit sa noo |
فَلْيَدْعُ نَادِيَهُ (17) At hayaan siyang tumawag (ng tulong) sa lipon (ng kanyang mga kapanalig) |
سَنَدْعُ الزَّبَانِيَةَ (18) Tatawagin Namin ang mga tagapagbantay ng Impiyerno (anghel ng kaparusahan upang harapin siya) |
كَلَّا لَا تُطِعْهُ وَاسْجُدْ وَاقْتَرِب ۩ (19) Hindi! (O Muhammad)! Huwag mo siyang sundin (Abu Jahl), bagkus ay magpatirapa ka at lumapit kay Allah |