Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 102 - البَقَرَة - Page - Juz 1
﴿وَٱتَّبَعُواْ مَا تَتۡلُواْ ٱلشَّيَٰطِينُ عَلَىٰ مُلۡكِ سُلَيۡمَٰنَۖ وَمَا كَفَرَ سُلَيۡمَٰنُ وَلَٰكِنَّ ٱلشَّيَٰطِينَ كَفَرُواْ يُعَلِّمُونَ ٱلنَّاسَ ٱلسِّحۡرَ وَمَآ أُنزِلَ عَلَى ٱلۡمَلَكَيۡنِ بِبَابِلَ هَٰرُوتَ وَمَٰرُوتَۚ وَمَا يُعَلِّمَانِ مِنۡ أَحَدٍ حَتَّىٰ يَقُولَآ إِنَّمَا نَحۡنُ فِتۡنَةٞ فَلَا تَكۡفُرۡۖ فَيَتَعَلَّمُونَ مِنۡهُمَا مَا يُفَرِّقُونَ بِهِۦ بَيۡنَ ٱلۡمَرۡءِ وَزَوۡجِهِۦۚ وَمَا هُم بِضَآرِّينَ بِهِۦ مِنۡ أَحَدٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَيَتَعَلَّمُونَ مَا يَضُرُّهُمۡ وَلَا يَنفَعُهُمۡۚ وَلَقَدۡ عَلِمُواْ لَمَنِ ٱشۡتَرَىٰهُ مَا لَهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنۡ خَلَٰقٖۚ وَلَبِئۡسَ مَا شَرَوۡاْ بِهِۦٓ أَنفُسَهُمۡۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ ﴾
[البَقَرَة: 102]
﴿واتبعوا ما تتلوا الشياطين على ملك سليمان وما كفر سليمان ولكن الشياطين﴾ [البَقَرَة: 102]
Islam House Sumunod sila sa binibigkas ng mga demonyo sa paghahari ni Solomon. Hindi tumangging sumampalataya si Solomon bagkus ang mga demonyo ay tumangging sumampalataya; nagtuturo sila sa mga tao ng panggagaway at ng pinababa sa dalawang anghel sa Babilonia, na sina Hārūt at Mārūt. Hindi nagtuturo silang dalawa sa isa man hanggang sa magsabi silang dalawa: "Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumangging sumampalataya." Kaya natututo sila mula sa kanilang dalawa ng nagpapahihiwalay sa pagitan ng lalaki at maybahay nito. Sila ay hindi mga nakapipinsala sa pamamagitan nito sa isa man malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Natututo sila ng nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila. Talaga ngang nakaalam sila na talagang ang sinumang bumili nito ay walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang bahagi. Talagang kay saklap ng pinagbilihan nila sa mga sarili nila, kung sakaling sila noon ay nakaaalam |