×

Hindi isang Al-Birr (kabutihan, kabanalan, katuwiran, at lahat ng gawa ng pagsunod 2:177 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:177) ayat 177 in Filipino

2:177 Surah Al-Baqarah ayat 177 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 177 - البَقَرَة - Page - Juz 2

﴿۞ لَّيۡسَ ٱلۡبِرَّ أَن تُوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ قِبَلَ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡبِرَّ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلۡكِتَٰبِ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ وَءَاتَى ٱلۡمَالَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ ذَوِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينَ وَٱبۡنَ ٱلسَّبِيلِ وَٱلسَّآئِلِينَ وَفِي ٱلرِّقَابِ وَأَقَامَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَى ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلۡمُوفُونَ بِعَهۡدِهِمۡ إِذَا عَٰهَدُواْۖ وَٱلصَّٰبِرِينَ فِي ٱلۡبَأۡسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ وَحِينَ ٱلۡبَأۡسِۗ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ صَدَقُواْۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُتَّقُونَ ﴾
[البَقَرَة: 177]

Hindi isang Al-Birr (kabutihan, kabanalan, katuwiran, at lahat ng gawa ng pagsunod kay Allah, atbp.) na ilingon ninyo ang inyong mukha sa Silangan o Kanluran (sa pananalangin), datapuwa’t Al-Birr (ang katangian) ng sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw, at sa mga Anghel, at sa Aklat, at sa mga Tagapagbalita; at gumugugol ng kanyang yaman dahil sa pagmamahal sa Kanya, sa mga kamag-anak, sa mga ulila, sa mga nangangailangan, sa mga naglalakbay (na walang matuluyan), sa mga humihingi, at sa pagpapalaya ng mga alipin; ang maging matimtiman sa pananalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salah), at nagkakaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at tumutupad sa kasunduan na kanilang ginawa; at matatag at matiyagasamatindingkahirapanatkaramdaman, atsalahat ng panahon ng kagipitan (sa pakikibaka o pakikipaglaban sa digmaan). Sila ang mga tao ng katotohanan, at sila ang Al- Muttaqun (mga may pagkatakot kay Allah, matimtiman, matuwid, banal, mabuti, atbp)

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ليس البر أن تولوا وجوهكم قبل المشرق والمغرب ولكن البر من آمن, باللغة الفلبينية

﴿ليس البر أن تولوا وجوهكم قبل المشرق والمغرب ولكن البر من آمن﴾ [البَقَرَة: 177]

Islam House
Ang pagpapakabuti ay hindi na magbaling kaya ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang pagpapakabuti ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa mga kasulatan, at sa mga propeta; nagbigay ng yaman, sa kabila ng pagkaibig dito, sa mga may pagkakamag-anak, sa mga ulila, sa mga dukha, sa kinapos sa daan, sa mga nanghihingi, at alang-alang sa pagpapalaya ng mga alipin; [ang] nagpanatili ng dasal; [ang] nagbigay ng zakāh; at ang mga tumutupad sa kasunduan sa kanila kapag nakipagkasunduan sila; at [lalo na] ang mga matiisin sa kadahupan at kariwaraan, at sa sandali ng labanan. Ang mga iyon ay ang mga nagpakatotoo at ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek