Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 178 - البَقَرَة - Page - Juz 2
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡقِصَاصُ فِي ٱلۡقَتۡلَىۖ ٱلۡحُرُّ بِٱلۡحُرِّ وَٱلۡعَبۡدُ بِٱلۡعَبۡدِ وَٱلۡأُنثَىٰ بِٱلۡأُنثَىٰۚ فَمَنۡ عُفِيَ لَهُۥ مِنۡ أَخِيهِ شَيۡءٞ فَٱتِّبَاعُۢ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَأَدَآءٌ إِلَيۡهِ بِإِحۡسَٰنٖۗ ذَٰلِكَ تَخۡفِيفٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَرَحۡمَةٞۗ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٞ ﴾
[البَقَرَة: 178]
﴿ياأيها الذين آمنوا كتب عليكم القصاص في القتلى الحر بالحر والعبد بالعبد﴾ [البَقَرَة: 178]
Islam House O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang ganting-pinsala kaugnay sa mga pinatay: ang malaya sa malaya, ang alipin sa alipin, at ang babae sa babae; ngunit ang sinumang pinagpaumanhinan ng kapatid niya ng anuman ay may pagsunod sa makatuwiran at pagsasagawa roon ng isang pagmamagandang-loob. Iyon ay isang pagpapagaan mula sa Panginoon ninyo at isang awa. Kaya ang sinumang nangaway matapos niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit |