×

O sangkatauhan! Kung kayo ay nag-aalinlangan tungkol sa Muling Pagkabuhay, kung gayon, 22:5 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-hajj ⮕ (22:5) ayat 5 in Filipino

22:5 Surah Al-hajj ayat 5 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-hajj ayat 5 - الحج - Page - Juz 17

﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِن كُنتُمۡ فِي رَيۡبٖ مِّنَ ٱلۡبَعۡثِ فَإِنَّا خَلَقۡنَٰكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ مِنۡ عَلَقَةٖ ثُمَّ مِن مُّضۡغَةٖ مُّخَلَّقَةٖ وَغَيۡرِ مُخَلَّقَةٖ لِّنُبَيِّنَ لَكُمۡۚ وَنُقِرُّ فِي ٱلۡأَرۡحَامِ مَا نَشَآءُ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى ثُمَّ نُخۡرِجُكُمۡ طِفۡلٗا ثُمَّ لِتَبۡلُغُوٓاْ أَشُدَّكُمۡۖ وَمِنكُم مَّن يُتَوَفَّىٰ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرۡذَلِ ٱلۡعُمُرِ لِكَيۡلَا يَعۡلَمَ مِنۢ بَعۡدِ عِلۡمٖ شَيۡـٔٗاۚ وَتَرَى ٱلۡأَرۡضَ هَامِدَةٗ فَإِذَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡهَا ٱلۡمَآءَ ٱهۡتَزَّتۡ وَرَبَتۡ وَأَنۢبَتَتۡ مِن كُلِّ زَوۡجِۭ بَهِيجٖ ﴾
[الحج: 5]

O sangkatauhan! Kung kayo ay nag-aalinlangan tungkol sa Muling Pagkabuhay, kung gayon, katotohanang Aming nilikha kayo (tulad ni Adan) mula sa alabok, at mula sa Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae), at mula sa kimpal (isang makapal na piraso ng namuong dugo), at sa maliit na tambok ng laman, ang iba ay nagkahubog at ang iba ay hindi nahubog (nakunan o nalaglag sa pagdadalang- tao), upang magawa Namin (ito) na maliwanag sa inyo (alalaong baga, ang maipamalas ang Aming kapangyarihan at kakayahan na magawa ang anumang Aming maibigan). At pinahihintulutan Namin ang sinumang Aming maibigan na manatili sa loob ng sinapupunan (ng babae) sa isang natatakdaang panahon, at Aming iniluwal kayo bilang mga sanggol, (at binigyan kayo ng kakayahang lumaki) upang inyong sapitin ang gulang ng may hustong lakas. At sa lipon ninyo ay mayroong namamatay (na bata pa), at sa lipon ninyo ay mayroong nagbabalik sa mahirap na katandaan, kaya’t wala siyang natatandaan matapos na kanyang maalaman ([noon], o nagiging ulyanin o isip-bata). At namamasdan ninyo ang kalupaan na tuyot, datapuwa’t nang Aming pamalibisbisin ang tubig (ulan) sa mga ito, ito ay naantig sa pagkabuhay, ito ay nanariwa at tumubo rito ang lahat ng uri ng kaakit-akit na pagtubo

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ياأيها الناس إن كنتم في ريب من البعث فإنا خلقناكم من تراب, باللغة الفلبينية

﴿ياأيها الناس إن كنتم في ريب من البعث فإنا خلقناكم من تراب﴾ [الحج: 5]

Islam House
O mga tao, kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa pagbubuhay, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos mula sa isang kimpal na laman na inanyuan at hindi inanyuan, upang maglinaw Kami para sa inyo. Nagpapanatili Kami sa mga sinapupunan ng niloloob Namin hanggang sa isang taning na tinukoy, pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa kalakasan ninyo. Mayroon sa inyo na pinapapanaw at mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, noong matapos ng isang kaalaman, ng anuman. Nakakikita ka na ang lupa ay patay, ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito, lumalago ito, at nagpapatubo ito ng bawat uring marilag
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek