×

At Aming pinagbaha-bahagi sila sa labingdalawang tribo (bilang namumukod) na mga bansa 7:160 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-A‘raf ⮕ (7:160) ayat 160 in Filipino

7:160 Surah Al-A‘raf ayat 160 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-A‘raf ayat 160 - الأعرَاف - Page - Juz 9

﴿وَقَطَّعۡنَٰهُمُ ٱثۡنَتَيۡ عَشۡرَةَ أَسۡبَاطًا أُمَمٗاۚ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ إِذِ ٱسۡتَسۡقَىٰهُ قَوۡمُهُۥٓ أَنِ ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡحَجَرَۖ فَٱنۢبَجَسَتۡ مِنۡهُ ٱثۡنَتَا عَشۡرَةَ عَيۡنٗاۖ قَدۡ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٖ مَّشۡرَبَهُمۡۚ وَظَلَّلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلۡغَمَٰمَ وَأَنزَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰۖ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ ﴾
[الأعرَاف: 160]

At Aming pinagbaha-bahagi sila sa labingdalawang tribo (bilang namumukod) na mga bansa (pamayanan). Aming pinag-utusan si Moises na may inspirasyon, nang ang kanyang pamayanan ay humingi sa kanya ng tubig, (at Kami ay nagwika): “Paluin mo ang bato ng iyong tungkod.” At pumulandit mula rito ang labindalawang batis: ang bawat pangkat ay nakakaalam ng kanilang lugar ng tubig. Aming (Allah) nilimliman sila ng mga ulap at Aming ipinanaog sa kanila ang Manna (isang uri ng matamis na ngatain), at ng mga pugo, (na nagsasabi): “Kumain kayo ng mabubuting bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo.” Kami (Allah) ay hindi nila mapipinsala, datapuwa’t pinipinsala (sinasaktan) nila ang kanilang sarili

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وقطعناهم اثنتي عشرة أسباطا أمما وأوحينا إلى موسى إذ استسقاه قومه أن, باللغة الفلبينية

﴿وقطعناهم اثنتي عشرة أسباطا أمما وأوحينا إلى موسى إذ استسقاه قومه أن﴾ [الأعرَاف: 160]

Islam House
Naghati-hati Kami sa kanila sa labindalawang lipi bilang mga kalipunan. Nagkasi Kami kay Moises noong humingi ng tubig sa kanya ang mga tao niya, [na nagsasabi]: "Humampas ka ng tungkod mo sa bato." Kaya may tumagas mula roon na labindalawang bukal. Nakaalam nga ang bawat [lipi ng] mga tao sa inuman nila. Naglilim Kami sa kanila ng mga ulap at nagpababa Kami sa kanila ng mana at mga pugo, [na nagsasabi]: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos Namin sa inyo." Hindi sila lumabag sa katarungan sa Amin, subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek