×

At kung nagkaroon man ng Qur’an na makakapagpagalaw sa mga kabundukan (sa 13:31 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Ar-Ra‘d ⮕ (13:31) ayat 31 in Filipino

13:31 Surah Ar-Ra‘d ayat 31 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Ar-Ra‘d ayat 31 - الرَّعد - Page - Juz 13

﴿وَلَوۡ أَنَّ قُرۡءَانٗا سُيِّرَتۡ بِهِ ٱلۡجِبَالُ أَوۡ قُطِّعَتۡ بِهِ ٱلۡأَرۡضُ أَوۡ كُلِّمَ بِهِ ٱلۡمَوۡتَىٰۗ بَل لِّلَّهِ ٱلۡأَمۡرُ جَمِيعًاۗ أَفَلَمۡ يَاْيۡـَٔسِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ لَهَدَى ٱلنَّاسَ جَمِيعٗاۗ وَلَا يَزَالُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ تُصِيبُهُم بِمَا صَنَعُواْ قَارِعَةٌ أَوۡ تَحُلُّ قَرِيبٗا مِّن دَارِهِمۡ حَتَّىٰ يَأۡتِيَ وَعۡدُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُخۡلِفُ ٱلۡمِيعَادَ ﴾
[الرَّعد: 31]

At kung nagkaroon man ng Qur’an na makakapagpagalaw sa mga kabundukan (sa kanilang kinalalagyan), o ang kalupaan ay mabiyak ng lansag-lansag, o ang patay ay magawang makapagsalita (ito ay wala ng iba maliban sa Qur’an na ito). Datapuwa’t ang pagpapasya sa lahat ng bagay ay katotohanang (angkin) ni Allah. Hindi baga ang mga nananampalataya ay nakakaalam na kung ninais lamang ni Allah ay mapapatnubayan Niyang lahat ang buong sangkatauhan (upang manampalataya)? At ang kalamidad ay hindi titigil sa pagsalanta sa mga hindi sumasampalataya dahilan sa kanilang kasamaan o (ang kalamidad) ay magiging malapit sa kanilang mga tahanan hanggang ang pangako ni Allah ay matupad. Katotohanang si Allah ay hindi nakakaligta sa Kanyang Pangako

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ولو أن قرآنا سيرت به الجبال أو قطعت به الأرض أو كلم, باللغة الفلبينية

﴿ولو أن قرآنا سيرت به الجبال أو قطعت به الأرض أو كلم﴾ [الرَّعد: 31]

Islam House
Kung sakaling may isang qur’ān na iniusad sa pamamagitan nito ang mga bundok o pinagputul-putol sa pamamagitan nito ang lupa o pinagsalita sa pamamagitan nito ang mga patay, [ito na iyon]. Bagkus sa kay Allāh ang pag-uutos sa kalahatan. Hindi ba nakatanto ang mga sumampalataya na kung sakaling niloloob ni Allāh ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa mga tao sa kalahatan? Hindi natitigil ang mga tumangging sumampalataya na may tumatama sa kanila dahil sa pinaggagawa nila na isang dagok o dadapo ito nang malapit mula sa tahanan nila hanggang sa dumating ang pangako ni Allāh. Tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa pangako
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek