Quran with Filipino translation - Surah Al-Kahf ayat 29 - الكَهف - Page - Juz 15
﴿وَقُلِ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَن شَآءَ فَلۡيُؤۡمِن وَمَن شَآءَ فَلۡيَكۡفُرۡۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلظَّٰلِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمۡ سُرَادِقُهَاۚ وَإِن يَسۡتَغِيثُواْ يُغَاثُواْ بِمَآءٖ كَٱلۡمُهۡلِ يَشۡوِي ٱلۡوُجُوهَۚ بِئۡسَ ٱلشَّرَابُ وَسَآءَتۡ مُرۡتَفَقًا ﴾
[الكَهف: 29]
﴿وقل الحق من ربكم فمن شاء فليؤمن ومن شاء فليكفر إنا أعتدنا﴾ [الكَهف: 29]
Islam House Sabihin mo: "Ang katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya." Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito. Kung magpapasaklolo sila ay sasakloluhan sila ng isang tubig na gaya ng kumukulong langis, na iihaw sa mga mukha nila. Kay saklap ang inumin at kay sagwa ito bilang pahingahan |