×

Pinahihintulutan kayo sa gabi ng pag- aayuno na inyong sipingan ang inyong 2:187 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:187) ayat 187 in Filipino

2:187 Surah Al-Baqarah ayat 187 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 187 - البَقَرَة - Page - Juz 2

﴿أُحِلَّ لَكُمۡ لَيۡلَةَ ٱلصِّيَامِ ٱلرَّفَثُ إِلَىٰ نِسَآئِكُمۡۚ هُنَّ لِبَاسٞ لَّكُمۡ وَأَنتُمۡ لِبَاسٞ لَّهُنَّۗ عَلِمَ ٱللَّهُ أَنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَخۡتَانُونَ أَنفُسَكُمۡ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡ وَعَفَا عَنكُمۡۖ فَٱلۡـَٰٔنَ بَٰشِرُوهُنَّ وَٱبۡتَغُواْ مَا كَتَبَ ٱللَّهُ لَكُمۡۚ وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكُمُ ٱلۡخَيۡطُ ٱلۡأَبۡيَضُ مِنَ ٱلۡخَيۡطِ ٱلۡأَسۡوَدِ مِنَ ٱلۡفَجۡرِۖ ثُمَّ أَتِمُّواْ ٱلصِّيَامَ إِلَى ٱلَّيۡلِۚ وَلَا تُبَٰشِرُوهُنَّ وَأَنتُمۡ عَٰكِفُونَ فِي ٱلۡمَسَٰجِدِۗ تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ فَلَا تَقۡرَبُوهَاۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ ءَايَٰتِهِۦ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ ﴾
[البَقَرَة: 187]

Pinahihintulutan kayo sa gabi ng pag- aayuno na inyong sipingan ang inyong asawa. Sila ang inyong Libas (pangbalabal sa katawan, o saplot o Sakun [kasiyahan na mamuhay sa kanyang piling]), gayundin naman sila sa inyo. Si Allah ang nakakabatid ng mga ginagawa ninyong pandaraya sa inyong sarili, kaya’t bumaling Siya sa inyo (at tumanggap ng inyong pagsisisi) at (Kanyang) pinatawad kayo. Kaya’t makipag-ulayaw kayo sa kanila at inyong hanapin ang itinalaga ni Allah sa inyo (na mga supling), at kumain kayo at uminom hanggang ang maputing hibla ng pagbubukang liwayway (pagdatal ng liwanag) ay maging lantad kaysa sa hiblang itim (kadiliman ng gabi); at inyong tapusin ang pag-aayuno hanggang sa dumatal ang gabi; datapuwa’t huwag kayong makipag-ulayaw sa inyong asawa kung kayo ay nasa (kalagayan) ng I’tikaf (alalaong baga, ang pamamalagi sa pag-aala-ala at pananalangin kay Allah at paglisan sa lahat ng mga makamundong gawain) sa loob ng moske (bahay dalanginan), ito ang mga pagbabawal na itinalaga ni Allah, kaya’t sila ay huwag ninyong lapitan (o sipingan). Kaya’t sa ganito ay hinahayaan ni Allah na maging maliwanag ang Kanyang Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa sangkatauhan upang kayo ay maging Al-Muttaqun (magkaroon ng kabanalan, damdamin ng katuwiran, kabutihan, atbp)

❮ Previous Next ❯

ترجمة: أحل لكم ليلة الصيام الرفث إلى نسائكم هن لباس لكم وأنتم لباس, باللغة الفلبينية

﴿أحل لكم ليلة الصيام الرفث إلى نسائكم هن لباس لكم وأنتم لباس﴾ [البَقَرَة: 187]

Islam House
Ipinahintulot sa inyo sa gabi ng pag-aayuno ang pakikipagtalik sa mga maybahay ninyo. Sila ay kasuutan para sa inyo at kayo ay kasuutan para sa kanila. Nakaalam si Allāh na kayo noon ay nagtataksil sa mga sarili ninyo ngunit tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob at nagpaumanhin Siya sa inyo. Kaya ngayon ay makipagtalik kayo sa kanila at maghangad kayo ng isinatungkulin ni Allāh para sa inyo. Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na sinulid mula sa madaling-araw. Pagkatapos lubusin ninyo ang pag-aayuno hanggang sa gabi. Huwag kayong makipagtalik sa kanila samantalang kayo ay mga namimintuho sa mga masjid. Iyon ay mga hangganan ni Allāh kaya huwag kayong lumapit sa mga iyon. Gayon naglilinaw si Allāh sa mga tanda Niya para sa mga tao, nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek