×

Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pakikipaglaban sa mga banal na 2:217 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:217) ayat 217 in Filipino

2:217 Surah Al-Baqarah ayat 217 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 217 - البَقَرَة - Page - Juz 2

﴿يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلشَّهۡرِ ٱلۡحَرَامِ قِتَالٖ فِيهِۖ قُلۡ قِتَالٞ فِيهِ كَبِيرٞۚ وَصَدٌّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَكُفۡرُۢ بِهِۦ وَٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَإِخۡرَاجُ أَهۡلِهِۦ مِنۡهُ أَكۡبَرُ عِندَ ٱللَّهِۚ وَٱلۡفِتۡنَةُ أَكۡبَرُ مِنَ ٱلۡقَتۡلِۗ وَلَا يَزَالُونَ يُقَٰتِلُونَكُمۡ حَتَّىٰ يَرُدُّوكُمۡ عَن دِينِكُمۡ إِنِ ٱسۡتَطَٰعُواْۚ وَمَن يَرۡتَدِدۡ مِنكُمۡ عَن دِينِهِۦ فَيَمُتۡ وَهُوَ كَافِرٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ ﴾
[البَقَرَة: 217]

Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan (ang una, pampito, panlabing- isa at panlabingdalawang buwan ng Kalendaryong Islamiko). Ipagbadya: “Ang pakikipaglaban dito ay isang matinding pagsuway (at pagmamalabis), datapuwa’t ang higit na pagsuway sa Paningin ni Allah ay ang pagpigil sa sangkatauhan na sumunod sa Landas ni Allah, ang hindi manampalataya sa Kanya, at pumigil na makapasok sila sa Banal na Bahay Dalanginan (Masjid Al-Haram sa Makkah) at itaboy ang nagsisipanirahan dito, at ang Al-Fitnah (kawalan ng pananampalataya at pagsamba sa mga diyus- diyosan) ay higit na masama sa pagpatay. At sila ay hindi kailanman titigil sa pakikipaglaban sa inyo hanggang sa kayo ay kanilang mailugso (mailigaw) sa inyong relihiyon (Paniniwala sa Iisang Diyos at sa Islam) hangga’t kanilang magagawa. At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang Pananampalataya at mamatay na walang pananalig, kung gayon, ang kanyang mga gawa ay mawawala sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, at sila ang magsisipanirahan sa Apoy. Sila ay mananahan dito magpakailanman

❮ Previous Next ❯

ترجمة: يسألونك عن الشهر الحرام قتال فيه قل قتال فيه كبير وصد عن, باللغة الفلبينية

﴿يسألونك عن الشهر الحرام قتال فيه قل قتال فيه كبير وصد عن﴾ [البَقَرَة: 217]

Islam House
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Buwang Pinakababanal: sa pakikipaglaban dito. Sabihin mo: "Ang isang pakikipaglaban dito ay isang malaking [kasalanan], ang isang pagsagabal sa landas ni Allāh, ang isang kawalang-pananampalataya sa Kanya, [ang isang paghadlang] sa pagpasok sa Masjid na Pinakababanal, at ang isang pagpapalayas sa mga naninirahan [malapit] dito ay higit na malaking [kasalanan] sa ganang kay Allāh. Ang panliligalig ay higit na malaking [kasalanan] kaysa sa pagpatay. Hindi sila titigil na kumakalaban sa inyo hanggang sa magpatalikod sila sa inyo palayo sa relihiyon ninyo kung makakakaya sila. Ang sinumang tumalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya at namatay habang siya ay isang tagatangging sumampalataya, ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek