Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 249 - البَقَرَة - Page - Juz 2
﴿فَلَمَّا فَصَلَ طَالُوتُ بِٱلۡجُنُودِ قَالَ إِنَّ ٱللَّهَ مُبۡتَلِيكُم بِنَهَرٖ فَمَن شَرِبَ مِنۡهُ فَلَيۡسَ مِنِّي وَمَن لَّمۡ يَطۡعَمۡهُ فَإِنَّهُۥ مِنِّيٓ إِلَّا مَنِ ٱغۡتَرَفَ غُرۡفَةَۢ بِيَدِهِۦۚ فَشَرِبُواْ مِنۡهُ إِلَّا قَلِيلٗا مِّنۡهُمۡۚ فَلَمَّا جَاوَزَهُۥ هُوَ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ قَالُواْ لَا طَاقَةَ لَنَا ٱلۡيَوۡمَ بِجَالُوتَ وَجُنُودِهِۦۚ قَالَ ٱلَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُم مُّلَٰقُواْ ٱللَّهِ كَم مِّن فِئَةٖ قَلِيلَةٍ غَلَبَتۡ فِئَةٗ كَثِيرَةَۢ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ ﴾
[البَقَرَة: 249]
﴿فلما فصل طالوت بالجنود قال إن الله مبتليكم بنهر فمن شرب منه﴾ [البَقَرَة: 249]
Islam House Kaya noong humayo si Saul kasama ng mga hukbo ay nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay susubok sa inyo sa isang ilog. Kaya ang sinumang uminom mula roon ay hindi siya kabilang sa akin; at ang sinumang hindi tumikim doon ay tunay na siya ay kabilang sa akin, maliban sa sumalok ng salok sa pamamagitan ng kamay niya." Ngunit uminom sila maliban sa kakaunti kabilang sa kanila. Noong nakalampas doon siya at ang mga sumampalataya kasama sa kanya ay nagsabi sila: "Walang kapangyarihan ukol sa atin ngayong araw laban kay Goliath at sa mga hukbo nito." Nagsabi ang mga nakatitiyak na sila ay makikipagkita kay Allāh: "Kay raming pangkat na maliit na dumaig sa pangkat na malaki ayon sa pahintulot ni Allāh. Si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis |