×

O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay nakikipagkasundo sa bawat isa sa mga 2:282 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:282) ayat 282 in Filipino

2:282 Surah Al-Baqarah ayat 282 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 282 - البَقَرَة - Page - Juz 3

﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا تَدَايَنتُم بِدَيۡنٍ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى فَٱكۡتُبُوهُۚ وَلۡيَكۡتُب بَّيۡنَكُمۡ كَاتِبُۢ بِٱلۡعَدۡلِۚ وَلَا يَأۡبَ كَاتِبٌ أَن يَكۡتُبَ كَمَا عَلَّمَهُ ٱللَّهُۚ فَلۡيَكۡتُبۡ وَلۡيُمۡلِلِ ٱلَّذِي عَلَيۡهِ ٱلۡحَقُّ وَلۡيَتَّقِ ٱللَّهَ رَبَّهُۥ وَلَا يَبۡخَسۡ مِنۡهُ شَيۡـٔٗاۚ فَإِن كَانَ ٱلَّذِي عَلَيۡهِ ٱلۡحَقُّ سَفِيهًا أَوۡ ضَعِيفًا أَوۡ لَا يَسۡتَطِيعُ أَن يُمِلَّ هُوَ فَلۡيُمۡلِلۡ وَلِيُّهُۥ بِٱلۡعَدۡلِۚ وَٱسۡتَشۡهِدُواْ شَهِيدَيۡنِ مِن رِّجَالِكُمۡۖ فَإِن لَّمۡ يَكُونَا رَجُلَيۡنِ فَرَجُلٞ وَٱمۡرَأَتَانِ مِمَّن تَرۡضَوۡنَ مِنَ ٱلشُّهَدَآءِ أَن تَضِلَّ إِحۡدَىٰهُمَا فَتُذَكِّرَ إِحۡدَىٰهُمَا ٱلۡأُخۡرَىٰۚ وَلَا يَأۡبَ ٱلشُّهَدَآءُ إِذَا مَا دُعُواْۚ وَلَا تَسۡـَٔمُوٓاْ أَن تَكۡتُبُوهُ صَغِيرًا أَوۡ كَبِيرًا إِلَىٰٓ أَجَلِهِۦۚ ذَٰلِكُمۡ أَقۡسَطُ عِندَ ٱللَّهِ وَأَقۡوَمُ لِلشَّهَٰدَةِ وَأَدۡنَىٰٓ أَلَّا تَرۡتَابُوٓاْ إِلَّآ أَن تَكُونَ تِجَٰرَةً حَاضِرَةٗ تُدِيرُونَهَا بَيۡنَكُمۡ فَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَلَّا تَكۡتُبُوهَاۗ وَأَشۡهِدُوٓاْ إِذَا تَبَايَعۡتُمۡۚ وَلَا يُضَآرَّ كَاتِبٞ وَلَا شَهِيدٞۚ وَإِن تَفۡعَلُواْ فَإِنَّهُۥ فُسُوقُۢ بِكُمۡۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ وَيُعَلِّمُكُمُ ٱللَّهُۗ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ ﴾
[البَقَرَة: 282]

O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay nakikipagkasundo sa bawat isa sa mga pakikipagkalakalan na tumutukoy sa panghinaharap na obligasyon sa isang natataningang panahon, ilagay ninyo ito sa kasulatan. Hayaan ang isang tagasulat ay matapat na magtala sa pinagkasunduan ng dalawang panig; huwag hayaan na ang tagasulat ay tumanggi na magsulat sa paraan na ipinag- utos ni Allah sa kanya, kaya’t hayaan siya na magsulat. Hayaan siya na may pagkakautang ang magdikta at dapat niyang pangambahan si Allah na kanyang Panginoon at huwag niyang bawasan ang anumang kanyang nautang. Kung ang panig na may pananagutan ay makitid ang isip, o mahina, o hindi niya kaya ang magdikta, hayaan ang kanyang tagapangalaga ang matapat na magdikta. At kayo ay kumuha ng dalawang saksi mula sa inyong kalalakihan. At kung wala ng dalawang lalaki, kung gayon ay isang lalaki at dalawang babae na inyong mapili bilang mga saksi, upang kung ang isa sa kanila (babae) ay malitang, ang isa ay makapagpapaala-ala sa kanya. Ang mga saksi ay hindi marapat na tumanggi kung sila ay tawagin (upang magbigay ng patibay). Huwag hayaan na maging tamad na isulat (ang inyong kasunduan), kahima’t ito ay maliit o malaki; ito ay higit na makatarungan sa Paningin ni Allah, at higit na akmang katibayan, at isang ginhawa upang mapigilan ang alinlangan sa pagitan nila, maliban na lamang kung ito ay isang pakikipagkalakalan na ngayo’t ngayon din (alalaong baga ay hora-horada, narito ang kalakal ko, tinanggap ko ang bayad mo), na pinagkasunduan sa pagitan ninyo, kung gayon, ito ay hindi isang kasalanan sa inyo kung ito ay hindi ninyo naisulat. Datapuwa’t kayo ay laging kumuha ng mga saksi sa anumang oras na kayo ay gumawa ng kasunduan sa pakikipagkalakalan. At huwag hayaan ang sinuman sa sumusulat at sumasaksi na ito ay magdulot sa kanya ng kapinsalaan (alalaong baga, bigyan sila ng hindi marapat na kapanagutan o panagutin sila kung anuman ang mangyari). Kung kayo ay gumawa (ng gayong kapinsalaan), ito ay isang kabuktutan mula sa inyo. Kaya’t magkaroon ng pagkatakot kay Allah sapagkat si Allah ang nagtuturo sa inyo. At si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng lahat ng bagay

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ياأيها الذين آمنوا إذا تداينتم بدين إلى أجل مسمى فاكتبوه وليكتب بينكم, باللغة الفلبينية

﴿ياأيها الذين آمنوا إذا تداينتم بدين إلى أجل مسمى فاكتبوه وليكتب بينكم﴾ [البَقَرَة: 282]

Islam House
O mga sumampalataya, kapag nag-utangan kayo ng isang pautang sa isang taning na tinukoy ay isulat ninyo ito at isulat sa pagitan ninyo ng isang tagasulat ayon sa katarungan. Hindi tatanggi ang isang tagasulat na isulat niya gaya ng itinuro sa kanya ni Allāh. Kaya magsulat siya at magdikta ang nasa kanya ang tungkulin, mangilag siyang magkasala kay Allāh na Panginoon niya, at huwag siyang magpakulang mula roon ng anuman. Ngunit kung ang nasa kanya ang tungkulin ay isang hunghang o isang mahina o hindi nakakakaya na magdikta siya ay magdikta ang katangkilik niya ayon sa katarungan. Magpasaksi kayo ng dalawang saksi mula sa kalalakihan ninyo. Ngunit kung hindi nangyaring may dalawang lalaki ay isang lalaki at dalawang babae kabilang sa sinumang nalugod kayo na mga saksi, upang kung makalimot ang isa sa dalawang [babae] ay magpapaalaala ang isa sa dalawa sa isa pa. Hindi tatanggi ang mga saksi kapag tinawag sila. Huwag kayong magsawa na magsulat kayo nito, maliit o malaki, hanggang sa taning nito. Iyon ay higit na makatarungan sa ganang kay Allāh, higit na mananatili para sa pagsasaksi, at higit na malapit upang hindi kayo magduda, malibang ito ay isang kalakalang dinadaluhan, na nagsasagawa kayo nito sa pagitan ninyo sapagkat walang maisisisi sa inyo na hindi kayo magsulat nito. Magpasaksi kayo kapag nagbilihan kayo. Hindi pinipinsala ang isang tagasulat ni ang isang saksi. Kung gagawa kayo [nito], tunay na ito ay mga kasuwailan sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at magtuturo sa inyo si Allāh. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek