×

At ipahayag sa mga sumasampalatayang babae na ibaba nila ang kanilang paningin 24:31 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nur ⮕ (24:31) ayat 31 in Filipino

24:31 Surah An-Nur ayat 31 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nur ayat 31 - النور - Page - Juz 18

﴿وَقُل لِّلۡمُؤۡمِنَٰتِ يَغۡضُضۡنَ مِنۡ أَبۡصَٰرِهِنَّ وَيَحۡفَظۡنَ فُرُوجَهُنَّ وَلَا يُبۡدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنۡهَاۖ وَلۡيَضۡرِبۡنَ بِخُمُرِهِنَّ عَلَىٰ جُيُوبِهِنَّۖ وَلَا يُبۡدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا لِبُعُولَتِهِنَّ أَوۡ ءَابَآئِهِنَّ أَوۡ ءَابَآءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوۡ أَبۡنَآئِهِنَّ أَوۡ أَبۡنَآءِ بُعُولَتِهِنَّ أَوۡ إِخۡوَٰنِهِنَّ أَوۡ بَنِيٓ إِخۡوَٰنِهِنَّ أَوۡ بَنِيٓ أَخَوَٰتِهِنَّ أَوۡ نِسَآئِهِنَّ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُنَّ أَوِ ٱلتَّٰبِعِينَ غَيۡرِ أُوْلِي ٱلۡإِرۡبَةِ مِنَ ٱلرِّجَالِ أَوِ ٱلطِّفۡلِ ٱلَّذِينَ لَمۡ يَظۡهَرُواْ عَلَىٰ عَوۡرَٰتِ ٱلنِّسَآءِۖ وَلَا يَضۡرِبۡنَ بِأَرۡجُلِهِنَّ لِيُعۡلَمَ مَا يُخۡفِينَ مِن زِينَتِهِنَّۚ وَتُوبُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ ﴾
[النور: 31]

At ipahayag sa mga sumasampalatayang babae na ibaba nila ang kanilang paningin (sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay) at pangalagaan ang kanilang pribadong bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal na relasyong seksuwal, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang mga palamuti maliban (lamang) kung ano ang sadyang nakalitaw (katulad ng palad, o mata o dalawang mata upang makita ang daan, o ang panglabas na kasuutan katulad ng belo o takip ng ulo, guwantes, atbp.) at iladlad ang kanilang belo sa buong Juyubihinna (alalaong baga, sa kanilang katawan, mukha, leeg, dibdib, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang palamuti maliban lamang sa kanilang asawa, sa kanilang ama, sa ama ng kanilang asawa, sa kanilang anak na lalaki, sa anak na lalaki ng kanilang asawa, sa kanilang kapatid na lalaki at sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid, o sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid na babae, o sa mga kababaihang [Muslim], (alalaong baga, sa kanilang mga kapatid na babae sa Islam), o sa mga (babaeng) alipin na angkin ng kanilang kanang kamay, o mga katulong na matatandang lalaki na hindi na mapusok, o maliliit na batang (lalaki) na wala pang muwang sa kahihiyan sa bagay na seksuwal. At huwag hayaan na ipadyak nila ang kanilang paa upang malantad ang anumang natatago nilang palamuti. At manikluhod kay Allah na kayo ay patawarin (Niyang) lahat, o mga sumasampalataya!, upang kayo ay magsipagtagumpay

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وقل للمؤمنات يغضضن من أبصارهن ويحفظن فروجهن ولا يبدين زينتهن إلا ما, باللغة الفلبينية

﴿وقل للمؤمنات يغضضن من أبصارهن ويحفظن فروجهن ولا يبدين زينتهن إلا ما﴾ [النور: 31]

Islam House
Sabihin mo sa mga babaing mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila, mangalaga sila sa mga ari nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa nakalitaw na mula rito, magpaabot sila ng mga belo nila sa mga dibdib nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa mga asawa nila, o mga ama nila, o mga ama ng mga asawa nila, o mga lalaking anak nila, o mga lalaking anak ng mga asawa nila, o mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, o mga kapwa babae nila, o mga minay-ari ng mga kanang kamay nila, o mga tagapaglingkod na hindi mga may pagnanasa kabilang sa mga lalaki, o mga batang lalaking hindi nakabatid sa mga kahubaran ng mga babae. Huwag silang magpadyak ng mga paa nila upang malaman ang ikinukubli nila mula sa gayak nila. Magbalik-loob kayo kay Allāh sa kalahatan, o mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek