×

walang ibinabawal sa bulag, at wala ring ibinabawal sa pilay, at wala 24:61 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nur ⮕ (24:61) ayat 61 in Filipino

24:61 Surah An-Nur ayat 61 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nur ayat 61 - النور - Page - Juz 18

﴿لَّيۡسَ عَلَى ٱلۡأَعۡمَىٰ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡأَعۡرَجِ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرِيضِ حَرَجٞ وَلَا عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ أَن تَأۡكُلُواْ مِنۢ بُيُوتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ ءَابَآئِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أُمَّهَٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ إِخۡوَٰنِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَخَوَٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَعۡمَٰمِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ عَمَّٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَخۡوَٰلِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ خَٰلَٰتِكُمۡ أَوۡ مَا مَلَكۡتُم مَّفَاتِحَهُۥٓ أَوۡ صَدِيقِكُمۡۚ لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَأۡكُلُواْ جَمِيعًا أَوۡ أَشۡتَاتٗاۚ فَإِذَا دَخَلۡتُم بُيُوتٗا فَسَلِّمُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ تَحِيَّةٗ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ مُبَٰرَكَةٗ طَيِّبَةٗۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ ﴾
[النور: 61]

walang ibinabawal sa bulag, at wala ring ibinabawal sa pilay, at wala ring ibinabawal sa may karamdaman, gayundin sa inyong sarili, kung kayo ay kumakain sa inyong tahanan, o sa tahanan ng inyong ama, o sa tahanan ng inyong ina, o sa tahanan ng inyong kapatid na lalaki, o sa tahanan ng inyong kapatid na babae, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ina, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ina, o kung saan (mang bahay) na kayo ay nagtatangan ng susi, o sa tahanan ng isang kaibigan. Hindi isang kasalanan sa inyo kung kayo ay kumain nang salu-salo o magkabukod. Datapuwa’t kung kayo ay magsipasok sa mga tahanan, magbatian kayo sa isa’t isa ng isang pagbati na mula kay Allah (alalaong baga, magsabi ng Assalamu Alaikum [Sumaiyo ang kapayapaan]) na pinagpala at mabuti. Kaya’t sa ganito ginawa ni Allah na maging malinaw ang Ayat (mga Talata ng Qur’an o mga tanda na pangrelihiyon, atbp.) upang kayo ay makaunawa

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ليس على الأعمى حرج ولا على الأعرج حرج ولا على المريض حرج, باللغة الفلبينية

﴿ليس على الأعمى حرج ولا على الأعرج حرج ولا على المريض حرج﴾ [النور: 61]

Islam House
Hindi sa bulag isang maisisisi, hindi sa pilay isang maisisisi, hindi sa may-sakit maisisisi, at hindi sa mga sarili ninyo na kumain kayo mula sa mga bahay ninyo, o mga bahay ng mga ama ninyo, o mga bahay ng mga ina ninyo, o mga bahay ng mga lalaking kapatid ninyo, o mga bahay ng babaing kapatid ninyo, o mga bahay ng mga tiyuhin sa ama ninyo, o mga bahay ng mga tiyahin sa ama ninyo, o mga bahay ng mga tiyuhin sa ina ninyo, o mga bahay ng mga tiyahin sa ina ninyo, o anumang nagtaglay kayo ng mga susi nito, o [bahay] ng kaibigan ninyo. Wala sa inyong maisisisi na kumain kayo sa kalahatan o nang hiwa-hiwalay. Kapag pumasok kayo sa mga bahay ay bumati kayo sa mga sarili ng isa’t isa sa inyo ng isang pagbating mula sa ganang kay Allāh, na pinagpalang kaaya-aya. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek