×

Siya ang nagpapanaog sa iyo (o Muhammad) ng Aklat (ang Qur’an). Dito 3:7 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah al-‘Imran ⮕ (3:7) ayat 7 in Filipino

3:7 Surah al-‘Imran ayat 7 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah al-‘Imran ayat 7 - آل عِمران - Page - Juz 3

﴿هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ مِنۡهُ ءَايَٰتٞ مُّحۡكَمَٰتٌ هُنَّ أُمُّ ٱلۡكِتَٰبِ وَأُخَرُ مُتَشَٰبِهَٰتٞۖ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمۡ زَيۡغٞ فَيَتَّبِعُونَ مَا تَشَٰبَهَ مِنۡهُ ٱبۡتِغَآءَ ٱلۡفِتۡنَةِ وَٱبۡتِغَآءَ تَأۡوِيلِهِۦۖ وَمَا يَعۡلَمُ تَأۡوِيلَهُۥٓ إِلَّا ٱللَّهُۗ وَٱلرَّٰسِخُونَ فِي ٱلۡعِلۡمِ يَقُولُونَ ءَامَنَّا بِهِۦ كُلّٞ مِّنۡ عِندِ رَبِّنَاۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّآ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ ﴾
[آل عِمران: 7]

Siya ang nagpapanaog sa iyo (o Muhammad) ng Aklat (ang Qur’an). Dito ay may mga Talata na ganap na maliwanag; ito ang mga pangunahing haligi ng Aklat (ito ang mga talata ng Al Ahkam [mga Kautusan, atbp.], Al Fara’id [mga katungkulang gawain], at Al Hudud [mga legal na batas para sa kaparusahan ng mga magnanakaw, mapangalunya, atbp.]), at ng mga iba pa na hindi lubhang maliwanag (alalaong baga, ang iba ay binigyang paliwanag ni Propeta Muhammad, ang ibang kahulugan naman ay natutuklasan sa patuloy na pag-unlad ng agham at teknolohiya, at ang iba ay tanging si Allah lamang ang nakakatalos). Kaya’t sa mga iba, na sa kanilang puso ay mayroong pagkalihis (sa katotohanan), sila ay sumusunod sa bagay na hindi ganap na maliwanag, na naghahangad ng Al-Fitnah (pagsamba sa maraming diyus-diyosan, mga pagsubok, atbp.), at naghahanap sa kanyang (Al-Qur’an) nalilingid na kahulugan, datapuwa’t walang sinuman ang nakakabatid ng mga ito maliban kay Allah. Ang mga matatatagsapananangansakarununganaynagsasabi:“Kami ay sumasampalataya rito; sa kabuuan nito (sa maliwanag at hindi maliwanag na mga Talata), na (ito) ay nagmula sa aming Panginoon.” At walang sinuman ang nakakatanggap ng paala-ala maliban sa mga tao na may pang-unawa

❮ Previous Next ❯

ترجمة: هو الذي أنـزل عليك الكتاب منه آيات محكمات هن أم الكتاب وأخر, باللغة الفلبينية

﴿هو الذي أنـزل عليك الكتاب منه آيات محكمات هن أم الكتاب وأخر﴾ [آل عِمران: 7]

Islam House
Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; bahagi nito ay mga talatang hinusto – ang mga ito ay ang batayan ng Aklat – at mga ibang talinghaga. Hinggil sa mga yaong sa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagpapakahulugan dito. Walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin.” Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek