×

o Propeta (Muhammad)! Ginawa Naming legal (nararapat ayon sa batas) sa iyo 33:50 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Ahzab ⮕ (33:50) ayat 50 in Filipino

33:50 Surah Al-Ahzab ayat 50 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Ahzab ayat 50 - الأحزَاب - Page - Juz 22

﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِنَّآ أَحۡلَلۡنَا لَكَ أَزۡوَٰجَكَ ٱلَّٰتِيٓ ءَاتَيۡتَ أُجُورَهُنَّ وَمَا مَلَكَتۡ يَمِينُكَ مِمَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَيۡكَ وَبَنَاتِ عَمِّكَ وَبَنَاتِ عَمَّٰتِكَ وَبَنَاتِ خَالِكَ وَبَنَاتِ خَٰلَٰتِكَ ٱلَّٰتِي هَاجَرۡنَ مَعَكَ وَٱمۡرَأَةٗ مُّؤۡمِنَةً إِن وَهَبَتۡ نَفۡسَهَا لِلنَّبِيِّ إِنۡ أَرَادَ ٱلنَّبِيُّ أَن يَسۡتَنكِحَهَا خَالِصَةٗ لَّكَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۗ قَدۡ عَلِمۡنَا مَا فَرَضۡنَا عَلَيۡهِمۡ فِيٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ لِكَيۡلَا يَكُونَ عَلَيۡكَ حَرَجٞۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا ﴾
[الأحزَاب: 50]

o Propeta (Muhammad)! Ginawa Naming legal (nararapat ayon sa batas) sa iyo ang iyong mga asawa matapos na sila ay iyong gawaran ng Mahr (dote o alay na salapi na ibinibigay ng lalaki sa kanyang mapapangasawa sa sandali ng kasal), at gayundin sa mga angkin ng iyong kanang kamay (mula sa mga bihag ng digmaan, atbp.) na itinalaga ni Allah sa iyo; at mga anak na babae ng iyong Amm (mga amain sa ama), at mga anak na babae ng iyong Ammah (mga tiyahin sa ama), at mga anak na babae ng iyong Khal (mga amain sa ina), at mga anak na babae ng iyong Khalah (mga tiyahin sa ina) na nagsilikas (mula sa Makkah) na kasama ka; at sinuman sa mga sumasampalatayang babae na nag-aalay ng kanyang sarili sa Propeta, at kung ang Propeta ay nais na pakasalan siya; ito ay isang karapatan para sa iyo lamang, at hindi sa lahat (at karamihan) ng mga sumasampalataya. Katotohanang Aming nababatid ang Aming itinalaga sa kanila na kanilang mga asawa at ang mga angkin ng kanilang kanang kamay, upang sa gayon ay hindi magkaroon ng sagabal sa iyo. At si Allah ay Lalagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ياأيها النبي إنا أحللنا لك أزواجك اللاتي آتيت أجورهن وما ملكت يمينك, باللغة الفلبينية

﴿ياأيها النبي إنا أحللنا لك أزواجك اللاتي آتيت أجورهن وما ملكت يمينك﴾ [الأحزَاب: 50]

Islam House
O Propeta, tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo sa mga maybahay mong nagbigay ka ng mga pabuya nila, sa anumang minay-ari ng kanang kamay mo kabilang sa inihandog ni Allāh sa iyo, sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ama, sa mga babaing anak ng tiyahin mo sa ama, sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ina, sa mga babaing anak ng tiyahin mo sa ina, na lumikas kasama sa iyo, at sa isang babaing mananampalataya kung nagkaloob ito ng sarili nito sa Propeta kung nagnais naman ang Propeta na mapangasawa ito, bilang natatangi sa iyo bukod sa mga mananampalataya. Nakaalam nga Kami ng isinatungkulin Namin sa kanila kaugnay sa mga maybahay nila at minay-ari ng kanang kamay nila upang hindi magkaroon sa iyo ng isang pagkaasiwa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek