×

(At alalahanin) kung si Allah ay magwiwika (sa Araw ng Muling Pagkabuhay): 5:110 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Ma’idah ⮕ (5:110) ayat 110 in Filipino

5:110 Surah Al-Ma’idah ayat 110 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Ma’idah ayat 110 - المَائدة - Page - Juz 7

﴿إِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱذۡكُرۡ نِعۡمَتِي عَلَيۡكَ وَعَلَىٰ وَٰلِدَتِكَ إِذۡ أَيَّدتُّكَ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِ تُكَلِّمُ ٱلنَّاسَ فِي ٱلۡمَهۡدِ وَكَهۡلٗاۖ وَإِذۡ عَلَّمۡتُكَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَۖ وَإِذۡ تَخۡلُقُ مِنَ ٱلطِّينِ كَهَيۡـَٔةِ ٱلطَّيۡرِ بِإِذۡنِي فَتَنفُخُ فِيهَا فَتَكُونُ طَيۡرَۢا بِإِذۡنِيۖ وَتُبۡرِئُ ٱلۡأَكۡمَهَ وَٱلۡأَبۡرَصَ بِإِذۡنِيۖ وَإِذۡ تُخۡرِجُ ٱلۡمَوۡتَىٰ بِإِذۡنِيۖ وَإِذۡ كَفَفۡتُ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ عَنكَ إِذۡ جِئۡتَهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ ﴾
[المَائدة: 110]

(At alalahanin) kung si Allah ay magwiwika (sa Araw ng Muling Pagkabuhay): “O Hesus, na anak ni Maria! Iyong alalahanin ang Aking kagandahang loob sa iyo at sa iyong ina nang ikaw ay Aking patatagin (sa pamamagitan) ng ruh-ul-Qudus (Gabriel) upang ikaw ay makapangusap sa mga tao mula sa iyong duyan at sa iyong paglaki (hustong gulang). Pagmasdan! Ikaw ay Aking tinuruan ng pagsulat, ng Al Hikmah (ang kapangyarihan ng pang-unawa), ng Torah (mga Batas) at ng Ebanghelyo; at nang iyong gawin mula sa malagkit na putik, sa katulad na anyo, ang hugis ng isang ibon, sa Aking kapahintulutan, at hiningahan mo ito, at ito ay naging ibon sa Aking kapahintulutan, at iyong pinagaling ang mga bulag, at ang mga ketongin sa Aking kapahintulutan; at nang Aking pigilan ang Angkan ng Israel tungo sa iyo (nang sila ay magkaisa na ikaw ay patayin), sapagkat ikaw ay dumatal sa kanila na may maliliwanag na katibayan, at ang mga hindi sumasampalataya sa lipon nila ay nagsabi: “Ito ay wala ng iba kundi isang malinaw na salamangka.”

❮ Previous Next ❯

ترجمة: إذ قال الله ياعيسى ابن مريم اذكر نعمتي عليك وعلى والدتك إذ, باللغة الفلبينية

﴿إذ قال الله ياعيسى ابن مريم اذكر نعمتي عليك وعلى والدتك إذ﴾ [المَائدة: 110]

Islam House
[Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: "O Jesus na anak ni Maria, bumanggit ka sa biyaya Ko sa iyo at sa ina mo noong umalalay Ako sa iyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan habang nagsasalita ka sa mga tao habang nasa duyan at nasa kasapatang-gulang; noong nagturo Ako sa iyo ng pagsulat, karunungan, at Torah, at Ebanghelyo; noong lumilikha ka mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon ayon sa pahintulot Ko saka umiihip ka rito kaya ito ay nagiging ibon, at nagpapagaling ka ng ipinanganak na bulag at ng ketungin ayon sa pahintulot Ko; noong nagpapalabas ka sa mga patay ayon sa pahintulot Ko; at noong pumigil Ako sa mga anak ni Israel palayo sa iyo noong naghatid ka sa kanila ng mga malinaw na patunay at nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila: Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek