Quran with Filipino translation - Surah Al-Ma’idah ayat 12 - المَائدة - Page - Juz 6
﴿۞ وَلَقَدۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَبَعَثۡنَا مِنۡهُمُ ٱثۡنَيۡ عَشَرَ نَقِيبٗاۖ وَقَالَ ٱللَّهُ إِنِّي مَعَكُمۡۖ لَئِنۡ أَقَمۡتُمُ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَيۡتُمُ ٱلزَّكَوٰةَ وَءَامَنتُم بِرُسُلِي وَعَزَّرۡتُمُوهُمۡ وَأَقۡرَضۡتُمُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا لَّأُكَفِّرَنَّ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَلَأُدۡخِلَنَّكُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ فَمَن كَفَرَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ مِنكُمۡ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ ﴾
[المَائدة: 12]
﴿ولقد أخذ الله ميثاق بني إسرائيل وبعثنا منهم اثني عشر نقيبا وقال﴾ [المَائدة: 12]
Islam House Talaga ngang tumanggap si Allāh ng tipan sa mga anak ni Israel. Nagpadala mula sa kanila ng labindalawang pinuno. Nagsabi si Allāh: "Tunay na Ako ay kasama sa inyo. Talagang kung nagpanatili kayo ng pagdarasal, nagbigay kayo ng zakāh, sumampalataya kayo sa mga sugo Ko, kumatig kayo sa kanila, at nagpautang kayo kay Allāh ng isang magandang pautang, talagang magtatakip-sala nga Ako para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at talagang magpapapasok nga Ako sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos niyon kabilang sa inyo ay naligaw nga sa katumpakan ng landas |