×

Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) kung ano ang pinahihintulutan sa 5:4 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Ma’idah ⮕ (5:4) ayat 4 in Filipino

5:4 Surah Al-Ma’idah ayat 4 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Ma’idah ayat 4 - المَائدة - Page - Juz 6

﴿يَسۡـَٔلُونَكَ مَاذَآ أُحِلَّ لَهُمۡۖ قُلۡ أُحِلَّ لَكُمُ ٱلطَّيِّبَٰتُ وَمَا عَلَّمۡتُم مِّنَ ٱلۡجَوَارِحِ مُكَلِّبِينَ تُعَلِّمُونَهُنَّ مِمَّا عَلَّمَكُمُ ٱللَّهُۖ فَكُلُواْ مِمَّآ أَمۡسَكۡنَ عَلَيۡكُمۡ وَٱذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهِۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ ﴾
[المَائدة: 4]

Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) kung ano ang pinahihintulutan sa kanila (bilang pagkain). Ipagbadya: “Sa inyo ay pinahihintulutan ang mga At-Tayyibat (ang lahat ng mga Halal [matuwid at tumpak]) na pagkain na ginawa ni Allah at pinahihintulutan (ang laman ng mga kinatay at maaaring kainin na hayop, mga produktong mula sa gatas, mga taba, gulay, prutas, atbp.). At mga hayop at mga ibon na naninila na inyong tinuruan upang makapangaso; na sila ay sinasanay at tinuturuan (upang humuli) sa paraan na ipinag-utos sa inyo ni Allah, kaya’t inyong kainin ang nahuli nila para sa inyo, datapuwa’t inyong ipahayag ang Ngalan ni Allah sa harapan nila (ng mga hayop), at inyong pangambahan si Allah. Katotohanang si Allah ay Maagap sa Pagsusulit

❮ Previous Next ❯

ترجمة: يسألونك ماذا أحل لهم قل أحل لكم الطيبات وما علمتم من الجوارح, باللغة الفلبينية

﴿يسألونك ماذا أحل لهم قل أحل لكم الطيبات وما علمتم من الجوارح﴾ [المَائدة: 4]

Islam House
Nagtatanong sila sa iyo kung ano ang ipinahintulot para sa kanila. Sabihin mo: "Ipinahintulot sa inyo ang mga kaaya-aya at ang [nahuli ng] tinuruan ninyo na mga nangangasong hayop, bilang mga sinanay mangaso, na tinuturuan ninyo ang mga ito ng mula sa itinuro sa inyo ni Allāh. Kaya kumain kayo mula sa nahuli ng mga ito para sa inyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito." Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek