Quran with Filipino translation - Surah Al-Ma’idah ayat 41 - المَائدة - Page - Juz 6
﴿۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ لَا يَحۡزُنكَ ٱلَّذِينَ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡكُفۡرِ مِنَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَلَمۡ تُؤۡمِن قُلُوبُهُمۡۛ وَمِنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْۛ سَمَّٰعُونَ لِلۡكَذِبِ سَمَّٰعُونَ لِقَوۡمٍ ءَاخَرِينَ لَمۡ يَأۡتُوكَۖ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ مِنۢ بَعۡدِ مَوَاضِعِهِۦۖ يَقُولُونَ إِنۡ أُوتِيتُمۡ هَٰذَا فَخُذُوهُ وَإِن لَّمۡ تُؤۡتَوۡهُ فَٱحۡذَرُواْۚ وَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ فِتۡنَتَهُۥ فَلَن تَمۡلِكَ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَمۡ يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يُطَهِّرَ قُلُوبَهُمۡۚ لَهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا خِزۡيٞۖ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٞ ﴾
[المَائدة: 41]
﴿ياأيها الرسول لا يحزنك الذين يسارعون في الكفر من الذين قالوا آمنا﴾ [المَائدة: 41]
Islam House O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga nagsabi: "Sumampalataya kami," sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang hindi sumampalataya ang mga puso nila, at kabilang sa mga nagpakahudyo. Mga palapakinig sa kasinungalingan, mga palapakinig sa mga ibang taong hindi nakapunta sa iyo, naglilihis sila sa mga salita nang matapos [ng paglalagay] ng mga katuturan ng mga ito. Nagsasabi sila: "Kung binigyan kayo nito ay kunin ninyo, at kung hindi kayo binigyan nito ay mangilag kayo. Ang sinumang nagnais si Allāh ng tukso sa kanya ay hindi ka makapangyayari para sa kanya laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga hindi nagnais si Allāh na magdalisay sa mga puso nila. Ukol sa kanila sa Mundo ay isang kahihiyan at ukol sa kanila sa Kabilang -buhay ay isang pagdurusang sukdulan |