×

O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay nagnanais na mag-alay ng dasal, hugasan 5:6 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Ma’idah ⮕ (5:6) ayat 6 in Filipino

5:6 Surah Al-Ma’idah ayat 6 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Ma’idah ayat 6 - المَائدة - Page - Juz 6

﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا قُمۡتُمۡ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ فَٱغۡسِلُواْ وُجُوهَكُمۡ وَأَيۡدِيَكُمۡ إِلَى ٱلۡمَرَافِقِ وَٱمۡسَحُواْ بِرُءُوسِكُمۡ وَأَرۡجُلَكُمۡ إِلَى ٱلۡكَعۡبَيۡنِۚ وَإِن كُنتُمۡ جُنُبٗا فَٱطَّهَّرُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُم مِّنۡهُۚ مَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيَجۡعَلَ عَلَيۡكُم مِّنۡ حَرَجٖ وَلَٰكِن يُرِيدُ لِيُطَهِّرَكُمۡ وَلِيُتِمَّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ ﴾
[المَائدة: 6]

O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay nagnanais na mag-alay ng dasal, hugasan ang inyong mukha at inyong mga kamay hanggang sa siko, pahirin ang inyong ulo (sa paghagod sa ibabaw nito ng basang kamay), at hugasan ang inyong mga paa hanggang sa bukung-bukong. Kung kayo ay nasa kalagayan ng Janaba (alalaong baga, may lumabas na semilya sa maselang bahagi ng katawan), dalisayin ninyo ang inyong sarili (sa paliligo ng buong katawan). Datapuwa’t kung kayo ay maysakit o naglalakbay o kung sinuman sa inyo ang kagagaling lamang sa pananabi (pag- ihi o pagdumi), o kung kayo ay nakipagniig sa mga babae (alalaong baga, seksuwal na pakikipagtalik), at kayo ay hindi makatagpo ng tubig, kung gayon, kumuha ng malinis na lupa at ihaplos ito sa inyong mukha at mga kamay. Si Allah ay hindi naghahangad na ilagay (kayo) sa kahirapan, datapuwa’t nais Niya na kayo ay dalisayin, at upang mapaging ganap Niya ang Kanyang paglingap sa inyo upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ياأيها الذين آمنوا إذا قمتم إلى الصلاة فاغسلوا وجوهكم وأيديكم إلى المرافق, باللغة الفلبينية

﴿ياأيها الذين آمنوا إذا قمتم إلى الصلاة فاغسلوا وجوهكم وأيديكم إلى المرافق﴾ [المَائدة: 6]

Islam House
O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo, mga kamay ninyo hanggang sa mga siko – humaplos kayo sa mga ulo ninyo – at mga paa ninyo hanggang sa mga bukungbukong. Kung kayo ay kailangang-maligo ay maligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa dumihan, o sumaling kayo ng mga babae saka hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka humaplos kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo [ng alikabok] mula roon. Hindi nagnanais si Allāh na maglagay sa inyo ng pagkaasiwa, subalit nagnanais Siya na dumalisay sa inyo at lumubos sa pagpapala Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek