×

Si Allah ay hindi magpaparusa sa inyo sa bagay na hindi (ninyo) 5:89 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Ma’idah ⮕ (5:89) ayat 89 in Filipino

5:89 Surah Al-Ma’idah ayat 89 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Ma’idah ayat 89 - المَائدة - Page - Juz 7

﴿لَا يُؤَاخِذُكُمُ ٱللَّهُ بِٱللَّغۡوِ فِيٓ أَيۡمَٰنِكُمۡ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا عَقَّدتُّمُ ٱلۡأَيۡمَٰنَۖ فَكَفَّٰرَتُهُۥٓ إِطۡعَامُ عَشَرَةِ مَسَٰكِينَ مِنۡ أَوۡسَطِ مَا تُطۡعِمُونَ أَهۡلِيكُمۡ أَوۡ كِسۡوَتُهُمۡ أَوۡ تَحۡرِيرُ رَقَبَةٖۖ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٖۚ ذَٰلِكَ كَفَّٰرَةُ أَيۡمَٰنِكُمۡ إِذَا حَلَفۡتُمۡۚ وَٱحۡفَظُوٓاْ أَيۡمَٰنَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ ﴾
[المَائدة: 89]

Si Allah ay hindi magpaparusa sa inyo sa bagay na hindi (ninyo) sinasadya sa inyong mga panunumpa, datapuwa’t Siya ay magpaparusa sa inyong sinadyang mga panunumpa; at para sa kabayaran (ng sinadyang panunumpa o pangako), (kayo) ay magpakain ng sampung tao na mahirap, sa sukat (o dami) kung ano ang katamtaman na inyong ipinakakain sa inyong sariling pamilya; o sila ay bihisan ninyo; o bigyan ng kalayaan ang isang alipin. Datapuwa’t kung sinuman ang walang kakayahan (dito), kung gayon, siya ay nararapat na mag-ayuno ng tatlong araw. Ito ang kabayaran sa mga panunumpa kung kayo ay nakapanumpa. At pangalagaan ninyo ang inyong mga sumpa (alalaong baga, huwag manumpa o mangako ng marami). Sa ganito ay ginagawa ni Allah na maging maliwanag sa inyo ang Kanyang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, mga talata, atbp.), upang kayo ay magkaroon ng utang na loob ng pasasalamat

❮ Previous Next ❯

ترجمة: لا يؤاخذكم الله باللغو في أيمانكم ولكن يؤاخذكم بما عقدتم الأيمان فكفارته, باللغة الفلبينية

﴿لا يؤاخذكم الله باللغو في أيمانكم ولكن يؤاخذكم بما عقدتم الأيمان فكفارته﴾ [المَائدة: 89]

Islam House
Hindi naninisi sa inyo si Allāh dahil sa pagkadulas sa mga panunumpa ninyo subalit naninisi Siya sa inyo dahil sa [pagsira ng] isinagawa ninyo na mga panunumpa. Kaya ang panakip-sala niyon ay ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa ipinakakain ninyo sa mag-anak ninyo o ang pagpapadamit sa kanila o ang pagpapalaya sa isang alipin, ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay pag-aayuno ng tatlong araw. Iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo kapag nanumpa kayo. Pag-ingatan ninyo ang mga panunumpa ninyo. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek