Quran with Filipino translation - Surah Al-Mujadilah ayat 22 - المُجَادلة - Page - Juz 28
﴿لَّا تَجِدُ قَوۡمٗا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ يُوَآدُّونَ مَنۡ حَآدَّ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَوۡ كَانُوٓاْ ءَابَآءَهُمۡ أَوۡ أَبۡنَآءَهُمۡ أَوۡ إِخۡوَٰنَهُمۡ أَوۡ عَشِيرَتَهُمۡۚ أُوْلَٰٓئِكَ كَتَبَ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلۡإِيمَٰنَ وَأَيَّدَهُم بِرُوحٖ مِّنۡهُۖ وَيُدۡخِلُهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ رَضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ أُوْلَٰٓئِكَ حِزۡبُ ٱللَّهِۚ أَلَآ إِنَّ حِزۡبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ ﴾
[المُجَادلة: 22]
﴿لا تجد قوما يؤمنون بالله واليوم الآخر يوادون من حاد الله ورسوله﴾ [المُجَادلة: 22]
Islam House Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na nakikipagmahalan sa sinumang sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay sinulatan Niya sa mga puso nila ng pananampalataya at inalalayan Niya sa pamamagitan ng isang espiritu mula sa Kanya. Magpapapasok Siya sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang lapian ni Allāh. Pansinin, tunay na ang lapian ni Allāh ay ang mga matagumpay |