×

At nang si Moises ay dumating sa oras at lugar na Aming 7:143 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-A‘raf ⮕ (7:143) ayat 143 in Filipino

7:143 Surah Al-A‘raf ayat 143 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-A‘raf ayat 143 - الأعرَاف - Page - Juz 9

﴿وَلَمَّا جَآءَ مُوسَىٰ لِمِيقَٰتِنَا وَكَلَّمَهُۥ رَبُّهُۥ قَالَ رَبِّ أَرِنِيٓ أَنظُرۡ إِلَيۡكَۚ قَالَ لَن تَرَىٰنِي وَلَٰكِنِ ٱنظُرۡ إِلَى ٱلۡجَبَلِ فَإِنِ ٱسۡتَقَرَّ مَكَانَهُۥ فَسَوۡفَ تَرَىٰنِيۚ فَلَمَّا تَجَلَّىٰ رَبُّهُۥ لِلۡجَبَلِ جَعَلَهُۥ دَكّٗا وَخَرَّ مُوسَىٰ صَعِقٗاۚ فَلَمَّآ أَفَاقَ قَالَ سُبۡحَٰنَكَ تُبۡتُ إِلَيۡكَ وَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ﴾
[الأعرَاف: 143]

At nang si Moises ay dumating sa oras at lugar na Aming itinalaga, at ang kanyang Panginoon ay nangusap sa kanya, siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ipakita Ninyo sa akin (ang Inyong Sarili), upang ako ay makamalas sa Inyo.” Si Allah ay nagwika: “Hindi mo ako mamamasdan, datapuwa’t tumingin ka sa bundok, kung ito ay patuloy na nakatindig sa kanyang lugar, Ako ay iyong mamamasdan.” Kaya’t nang ang kanyang Panginoon ay magpakita sa bundok (ang pagpapakita ni Allah sa bundok ay napakaliit lamang [na bahagi] ng Kanyang sarili. Ito ay humigit-kumulang sa dulo lamang ng isang daliri ayon sa pagpapaliwanag ng Propeta), Kanyang hinayaan na maguho ito, at si Moises ay napahindusay na walang malay. Nang siya ay pagbalikan ng ulirat, siya ay nagsabi: “Ang Kaluwalhatian ay Sumainyo, ako ay bumabaling sa Inyo sa pagsisisi at ako ang una sa mga sumasampalataya.”

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ولما جاء موسى لميقاتنا وكلمه ربه قال رب أرني أنظر إليك قال, باللغة الفلبينية

﴿ولما جاء موسى لميقاتنا وكلمه ربه قال رب أرني أنظر إليك قال﴾ [الأعرَاف: 143]

Islam House
Noong dumating si Moises para sa takdang oras at kumausap rito ang Panginoon nito ay nagsabi ito: "Panginoon ko, magpakita Ka sa akin, titingin ako sa Iyo." Nagsabi Siya: "Hindi ka makakikita sa Akin, subalit tumingin ka sa bundok sapagkat kung namalagi iyon sa lugar niyon ay makakikita ka sa Akin." Kaya noong lumantad ang Panginoon niya sa bundok ay ginawa Niya ito na isang patag. Bumagsak si Moises na hinimatay. Noong nagkamalay ito ay nagsabi ito: "Kaluwalhatian sa iyo! Nagbabalik-loob ako sa Iyo, at ako ay ang una sa mga mananampalataya
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek