×

Sino pa ba kaya ang higit na walang katarungan maliban sa kanya 7:37 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-A‘raf ⮕ (7:37) ayat 37 in Filipino

7:37 Surah Al-A‘raf ayat 37 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-A‘raf ayat 37 - الأعرَاف - Page - Juz 8

﴿فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِهِۦٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ يَنَالُهُمۡ نَصِيبُهُم مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُنَا يَتَوَفَّوۡنَهُمۡ قَالُوٓاْ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالُواْ ضَلُّواْ عَنَّا وَشَهِدُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَٰفِرِينَ ﴾
[الأعرَاف: 37]

Sino pa ba kaya ang higit na walang katarungan maliban sa kanya na kumakatha ng kabulaanan laban kay Allah o nagtatakwil sa Kanyang Ayat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp.)? Sa gayong mga (tao), ang kanilang natatakdaang bahagi (ng mabubuting bagay sa buhay sa mundong ito at sa haba ng kanilang taning na panahon dito), ay sasapit sa kanila mula sa Aklat (ng mga Pag-uutos); hanggang kung ang Aming mga Tagapagbalita (ang Anghel ng kamatayan at kanyang mga alalay) ay dumatal sa kanila upang kunin ang kanilang kaluluwa, sila (mga Anghel) ay magsasabi: “Nasaan ang mga pinananalanginan ninyo at sinasamba maliban pa kay Allah?”, at sila ay magsasabi, “Sila ay naglaho at kami ay (kanilang) iniwan.” At sila ang magbibigay saksi sa kanilang sarili na sila ay mga hindi nananampalataya

❮ Previous Next ❯

ترجمة: فمن أظلم ممن افترى على الله كذبا أو كذب بآياته أولئك ينالهم, باللغة الفلبينية

﴿فمن أظلم ممن افترى على الله كذبا أو كذب بآياته أولئك ينالهم﴾ [الأعرَاف: 37]

Islam House
Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Ang mga iyon, aabot sa kanila ang bahagi nila mula sa talaan, na hanggang sa nang dumating sa kanila ang mga sugo Namin na magpapapanaw sa kanila ay magsasabi ang mga ito: "Nasaan ang dati ninyong dinadalanginan bukod pa kay Allāh?" Magsasabi sila: "Nawala sila sa amin." Sumaksi sila laban sa mga sarili nila na sila noon ay mga tagatangging sumampalataya
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek