﴿۞ إِنَّمَا ٱلصَّدَقَٰتُ لِلۡفُقَرَآءِ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱلۡعَٰمِلِينَ عَلَيۡهَا وَٱلۡمُؤَلَّفَةِ قُلُوبُهُمۡ وَفِي ٱلرِّقَابِ وَٱلۡغَٰرِمِينَ وَفِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِۖ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ ﴾
[التوبَة: 60]
Ang As-Sadaqah (dito, ito ay nangangahulugan ng katungkulang kawanggawa, alalaong baga, ang Zakah), ay para lamang sa Fuqara (sa mga mahihirap na hindi nagpapalimos), at sa Masakin (sa mga mahihirap na nagpapalimos), at sa mga nagtatrabaho upang mangalap (ng pondo); at silang (mga tao) na ang kanilang puso ay nahihilig (tungo sa Islam, nakakakita ng liwanag ng katotohanan ng pananampalataya); at sa pagpapalaya ng mga bihag (alipin); at sa mga may pagkakautang; at para sa Kapakanan ni Allah (alalaong baga, para sa Mujahidun, sila na nakikipaglaban sa banal na digmaan dahilan sa kanilang pagmamahal sa Kanya), at sa mga naglalakbay (na napalayo at walang ibang mahihingan ng tulong); isang katungkulan na itinalaga ni Allah. At si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Sukdol sa Karunungan
ترجمة: إنما الصدقات للفقراء والمساكين والعاملين عليها والمؤلفة قلوبهم وفي الرقاب والغارمين وفي, باللغة الفلبينية
﴿إنما الصدقات للفقراء والمساكين والعاملين عليها والمؤلفة قلوبهم وفي الرقاب والغارمين وفي﴾ [التوبَة: 60]
Islam House Ang mga kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha, mga manggagawa sa mga ito, napalulubag-loob ang mga puso, sa pagpapalaya ng alipin at mga nagkakautang, ayon sa landas ni Allāh, at manlalakbay na kinapos – bilang tungkulin mula kay Allāh. Si Allāh ay Maalam, Marunong |