×

At huwag maging katulad niya na nagtatastas ng sinulid na kanyang hinabi 16:92 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nahl ⮕ (16:92) ayat 92 in Filipino

16:92 Surah An-Nahl ayat 92 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nahl ayat 92 - النَّحل - Page - Juz 14

﴿وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّتِي نَقَضَتۡ غَزۡلَهَا مِنۢ بَعۡدِ قُوَّةٍ أَنكَٰثٗا تَتَّخِذُونَ أَيۡمَٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَيۡنَكُمۡ أَن تَكُونَ أُمَّةٌ هِيَ أَرۡبَىٰ مِنۡ أُمَّةٍۚ إِنَّمَا يَبۡلُوكُمُ ٱللَّهُ بِهِۦۚ وَلَيُبَيِّنَنَّ لَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ ﴾
[النَّحل: 92]

At huwag maging katulad niya na nagtatastas ng sinulid na kanyang hinabi matapos na ito ay maging matibay sa pamamagitan nang pagsasabi ng inyong sumpa bilang isang paraan ng pandaraya sa lipon ninyo, kung hindi, marahil ang isang bansa (pamayanan) ay magiging higit na marami kaysa sa ibang bansa (pamayanan). Si Allah ay sumusubok sa inyo sa pamamagitan nito (alalaong baga, siya na sumusunod kay Allah at tumutupad ng Kasunduan ni Allah at siya na sumusuway kay Allah at sumisira sa Kasunduan ni Allah). At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, katiyakan na Kanyang gagawing maliwanag sa inyo ang mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan (alalaong baga, ang isang nananampalataya ay nagsasabi at nananalig sa Kaisahan ni Allah at sa pagka-Propeta ni Propeta Muhammad na itinatatwa ng mga hindi sumasampalataya, at ito ang kanilang pagkakaiba sa buhay sa mundong ito)

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ولا تكونوا كالتي نقضت غزلها من بعد قوة أنكاثا تتخذون أيمانكم دخلا, باللغة الفلبينية

﴿ولا تكونوا كالتي نقضت غزلها من بعد قوة أنكاثا تتخذون أيمانكم دخلا﴾ [النَّحل: 92]

Islam House
Huwag kayong maging gaya ng [babaing] kumalas sa pagsisinulid niya, nang matapos ng isang kalakasan [ng pagkasinulid] nito, para maging mga himaymay. Gumagawa kayo sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may isang kalipunang ito ay maging higit na malago kaysa sa isang kalipunan. Sumusubok lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan nito at talagang maglilinaw nga Siya para sa inyo sa Araw ng Pagbangon ng anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek