×

Kahit na iyong dalhin sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) 2:145 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:145) ayat 145 in Filipino

2:145 Surah Al-Baqarah ayat 145 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 145 - البَقَرَة - Page - Juz 2

﴿وَلَئِنۡ أَتَيۡتَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ بِكُلِّ ءَايَةٖ مَّا تَبِعُواْ قِبۡلَتَكَۚ وَمَآ أَنتَ بِتَابِعٖ قِبۡلَتَهُمۡۚ وَمَا بَعۡضُهُم بِتَابِعٖ قِبۡلَةَ بَعۡضٖۚ وَلَئِنِ ٱتَّبَعۡتَ أَهۡوَآءَهُم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ إِنَّكَ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ ﴾
[البَقَرَة: 145]

Kahit na iyong dalhin sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ang lahat ng Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp. nang sama-sama), hindi nila susundin ang iyong Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal) at hindi mo rin susundin ang kanilang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal), gayundin ay hindi nila susundin ang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal) ng bawat isa sa kanila. Katotohanan, kung ikaw ay susunod sa kanilang mga pagnanasa matapos na ikaw ay makatanggap ng kaalaman (mula kay Allah), kung magkagayon, ikaw ay maliwanag na (magiging) isa sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp)

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ولئن أتيت الذين أوتوا الكتاب بكل آية ما تبعوا قبلتك وما أنت, باللغة الفلبينية

﴿ولئن أتيت الذين أوتوا الكتاب بكل آية ما تبعوا قبلتك وما أنت﴾ [البَقَرَة: 145]

Islam House
Talagang kung naghatid ka sa mga binigyan ng Kasulatan ng bawat tanda ay hindi sila susunod sa qiblah mo. Ikaw ay hindi susunod sa qiblah nila, at ang iba sa kanila ay hindi susunod sa qiblah ng iba pa. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila nang matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, tunay na ikaw samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek