×

At inyong isagawa nang maayos ang Hajj (Pilgrimahe) at Umrah (Maigsing Pilgrimahe) 2:196 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:196) ayat 196 in Filipino

2:196 Surah Al-Baqarah ayat 196 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 196 - البَقَرَة - Page - Juz 2

﴿وَأَتِمُّواْ ٱلۡحَجَّ وَٱلۡعُمۡرَةَ لِلَّهِۚ فَإِنۡ أُحۡصِرۡتُمۡ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۖ وَلَا تَحۡلِقُواْ رُءُوسَكُمۡ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ ٱلۡهَدۡيُ مَحِلَّهُۥۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوۡ بِهِۦٓ أَذٗى مِّن رَّأۡسِهِۦ فَفِدۡيَةٞ مِّن صِيَامٍ أَوۡ صَدَقَةٍ أَوۡ نُسُكٖۚ فَإِذَآ أَمِنتُمۡ فَمَن تَمَتَّعَ بِٱلۡعُمۡرَةِ إِلَى ٱلۡحَجِّ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۚ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٖ فِي ٱلۡحَجِّ وَسَبۡعَةٍ إِذَا رَجَعۡتُمۡۗ تِلۡكَ عَشَرَةٞ كَامِلَةٞۗ ذَٰلِكَ لِمَن لَّمۡ يَكُنۡ أَهۡلُهُۥ حَاضِرِي ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ ﴾
[البَقَرَة: 196]

At inyong isagawa nang maayos ang Hajj (Pilgrimahe) at Umrah (Maigsing Pilgrimahe) sa paglilingkod kay Allah. Datapuwa’t kung kayo ay nagkaroon ng sagabal (upang magampanan ang lahat ng ito), kayo ay mag-alay ng Hady (ang hayop, tulad ng tupa, baka, atbp.) ayon sa inyong kakayahan at huwag ninyong ahitin ang inyong ulo hanggang ang inyong Hady ay hindi pa nakakarating sa pook ng pag-aalay. At kung sinuman sa inyo ang may sakit, o may karamdaman sa kanyang anit (na kailangang ahitin), siya ay nararapat na magbayad ng Fidya (pantubos o panghalili); maaaring siya ay mag-ayuno (ng tatlong araw), o magpakain ng mahirap (anim na katao) o mag-alay (ng isang tupa). At kung ikaw ay nasa (katayuang muli) ng kaligtasan, sinuman ang magsagawa (o magpatuloy) ng Umrah hanggang Hajj sa buwan ng Hajj, siya ay nararapat na maghandog ng alay ayon sa kanyang kakayahan, datapuwa’t kung wala siyang kakayahan ay nararapat na siya ay mag- ayuno ng tatlong araw sa panahon ng Hajj at pitong araw pagkauwi niya, ganap na sampung araw sa lahat-lahat. Ito ay para (sa kanila) na ang mga pamilya ay (hindi nakatira sa loob ng hangganan) ng Banal na Bahay dalanginan. At inyong pangambahan si Allah at inyong maalaman na si Allah ay mahigpit sa kaparusahan

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وأتموا الحج والعمرة لله فإن أحصرتم فما استيسر من الهدي ولا تحلقوا, باللغة الفلبينية

﴿وأتموا الحج والعمرة لله فإن أحصرتم فما استيسر من الهدي ولا تحلقوا﴾ [البَقَرَة: 196]

Islam House
Lubusin ninyo ang ḥajj at ang `umrah para kay Allāh ngunit kung nahadlangan kayo ay [mag-alay ng] anumang madaling nakamit na handog. Huwag kayong mag-ahit ng mga ulo ninyo hanggang sa umabot ang handog sa pinag-aalayan dito. Ang sinumang kabilang sa inyo ay maysakit o sa kanya ay may isang pinsala sa ulo niya ay [magbibigay ng] isang pantubos na pag-ayuno o isang kawanggawa o isang alay. Kung natiwasay kayo, ang sinumang nagsagawa ng `umrah na pinasusundan ng ḥajj ay [mag-aalay ng] anumang madaling nakamit na handog. Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay [magsasagawa ng] pag-aayuno ng tatlong araw sa ḥajj at pitong [araw] kapag bumalik kayo; iyon ay ganap na sampu. Iyon ay ukol sa sinumang ang mag-anak niya ay hindi mga nakadalo sa [paligid ng] Masjid na Pinakababanal. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek