﴿ٱلۡحَجُّ أَشۡهُرٞ مَّعۡلُومَٰتٞۚ فَمَن فَرَضَ فِيهِنَّ ٱلۡحَجَّ فَلَا رَفَثَ وَلَا فُسُوقَ وَلَا جِدَالَ فِي ٱلۡحَجِّۗ وَمَا تَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ يَعۡلَمۡهُ ٱللَّهُۗ وَتَزَوَّدُواْ فَإِنَّ خَيۡرَ ٱلزَّادِ ٱلتَّقۡوَىٰۖ وَٱتَّقُونِ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ ﴾
[البَقَرَة: 197]
Ang Hajj (Pilgrimahe) ay (nasa loob) ng mga bantog na buwan (alalaong baga, ang pansampu, panlabing-isa at unang sampung araw ng panlabingdalawang buwan ng kalendaryong Islamiko, alalaong baga, dalawang buwan at sampung araw). Kaya’t kung sinuman ang magpasyang magsagawa ng Hajj (Pilgrimahe), dito (na ang pasimula ay ang pagsusuot ng Ihram, alalaong baga, kasuutan na pang-Pilgrimahe), kung gayon, hindi marapat na siya ay makipag-ulayaw sa kanyang asawa, at huwag gumawa ng kasalanan at huwag ding makipagtalo ng walang katarungan sa panahon ng Hajj. At anumang mabuti ang inyong gawin, (huwag magkaroon ng alinlangan), si Allah ang nakakatalos ng mga ito. At kayo ay magbaon ng inyong ikabubuhay, datapuwa’t ang higit na mainam na baon ay Taqwa (kabutihan, kabanalan, pangangamba at pagkatakot kay Allah, atbp.). Kaya’t Ako ay pangambahan ninyo, o kayong mga tao na may pang- unawa
ترجمة: الحج أشهر معلومات فمن فرض فيهن الحج فلا رفث ولا فسوق ولا, باللغة الفلبينية
﴿الحج أشهر معلومات فمن فرض فيهن الحج فلا رفث ولا فسوق ولا﴾ [البَقَرَة: 197]
Islam House Ang ḥajj ay [nasa] mga buwang nalalaman. Kaya ang sinumang nag-obliga [sa sarili] sa mga ito ng ḥajj ay walang pagtatalik, walang mga kasuwailan, at walang pakikipagtalo sa ḥajj. Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan ay nakaaalam nito si Allāh. Magbaon kayo, at tunay na ang pinakamabuting baon ay ang pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga may isip |