Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 232 - البَقَرَة - Page - Juz 2
﴿وَإِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَبَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا تَعۡضُلُوهُنَّ أَن يَنكِحۡنَ أَزۡوَٰجَهُنَّ إِذَا تَرَٰضَوۡاْ بَيۡنَهُم بِٱلۡمَعۡرُوفِۗ ذَٰلِكَ يُوعَظُ بِهِۦ مَن كَانَ مِنكُمۡ يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۗ ذَٰلِكُمۡ أَزۡكَىٰ لَكُمۡ وَأَطۡهَرُۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ ﴾
[البَقَرَة: 232]
﴿وإذا طلقتم النساء فبلغن أجلهن فلا تعضلوهن أن ينكحن أزواجهن إذا تراضوا﴾ [البَقَرَة: 232]
Islam House Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyo at umabot sila sa `iddah nila ay huwag kayong magpasuliranin sa kanila na magpakasal sila sa mga [dating] asawa nila kapag nagkaluguran sa pagitan nila ayon sa nakabubuti. Iyon ay ipinangangaral sa sinumang kabilang sa inyo na sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na lalago para sa inyo at higit na dalisay. Si Allāh ay nakaaalam at kayo ay hindi nakaaalam |