Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 233 - البَقَرَة - Page - Juz 2
﴿۞ وَٱلۡوَٰلِدَٰتُ يُرۡضِعۡنَ أَوۡلَٰدَهُنَّ حَوۡلَيۡنِ كَامِلَيۡنِۖ لِمَنۡ أَرَادَ أَن يُتِمَّ ٱلرَّضَاعَةَۚ وَعَلَى ٱلۡمَوۡلُودِ لَهُۥ رِزۡقُهُنَّ وَكِسۡوَتُهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ لَا تُكَلَّفُ نَفۡسٌ إِلَّا وُسۡعَهَاۚ لَا تُضَآرَّ وَٰلِدَةُۢ بِوَلَدِهَا وَلَا مَوۡلُودٞ لَّهُۥ بِوَلَدِهِۦۚ وَعَلَى ٱلۡوَارِثِ مِثۡلُ ذَٰلِكَۗ فَإِنۡ أَرَادَا فِصَالًا عَن تَرَاضٖ مِّنۡهُمَا وَتَشَاوُرٖ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَاۗ وَإِنۡ أَرَدتُّمۡ أَن تَسۡتَرۡضِعُوٓاْ أَوۡلَٰدَكُمۡ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ إِذَا سَلَّمۡتُم مَّآ ءَاتَيۡتُم بِٱلۡمَعۡرُوفِۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ ﴾
[البَقَرَة: 233]
﴿والوالدات يرضعن أولادهن حولين كاملين لمن أراد أن يتم الرضاعة وعلى المولود﴾ [البَقَرَة: 233]
Islam House Ang mga ina ay magpapasuso sa mga anak nila nang dalawang buong taon, para sa sinumang nagnais na lumubos ng pagpapasuso. Tungkulin ng ama ang pagtustos sa kanila at ang pagpapadamit sa kanila ayon sa nakabubuti. Walang inaatangang kaluluwa maliban sa kaya nito. Walang pipinsalaing isang ina dahil sa anak niya ni isang ama dahil sa anak nito. Kailangan sa tagapagmana [ng ama] ang tulad ng [tungkuling] iyon. Kung nagnais silang dalawa ng pag-awat [sa bata] ayon sa pagkakaluguran mula sa kanilang dalawa at pagsasanggunian ay walang maisisisi sa kanilang dalawa. Kung nagnais kayo na ipasuso ninyo [sa iba] ang mga anak ninyo ay walang maisisisi sa inyo kapag nag-abot kayo ng ibibigay ninyo ayon sa nakabubuti. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita |