×

Silang mga Tagapagbalita! Sila na Aming biniyayaan ng mga pabuya, ang ilan 2:253 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:253) ayat 253 in Filipino

2:253 Surah Al-Baqarah ayat 253 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 253 - البَقَرَة - Page - Juz 3

﴿۞ تِلۡكَ ٱلرُّسُلُ فَضَّلۡنَا بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۘ مِّنۡهُم مَّن كَلَّمَ ٱللَّهُۖ وَرَفَعَ بَعۡضَهُمۡ دَرَجَٰتٖۚ وَءَاتَيۡنَا عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَيَّدۡنَٰهُ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِۗ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقۡتَتَلَ ٱلَّذِينَ مِنۢ بَعۡدِهِم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ وَلَٰكِنِ ٱخۡتَلَفُواْ فَمِنۡهُم مَّنۡ ءَامَنَ وَمِنۡهُم مَّن كَفَرَۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقۡتَتَلُواْ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَفۡعَلُ مَا يُرِيدُ ﴾
[البَقَرَة: 253]

Silang mga Tagapagbalita! Sila na Aming biniyayaan ng mga pabuya, ang ilan ay higit sa iba (sa kapanagutan at tungkulin), sa ilan sa kanila, si Allah ay nakipag-usap; ang ilan ay Kanyang itinaas sa antas (ng karangalan); at kay Hesus na anak ni Maria, Kami ay nagbigay ng maliwanag na Tanda at Katibayan at siya ay pinatatag Namin ng Banal na Espiritu (ruh-ul-Qudus o Gabriel). At kung ninais lamang ni Allah, ang mga sumunod na lahi ay hindi makikipaglaban laban sa isa’t isa pagkaraang ang maliwanag na Kapahayagan ni Allah ay dumatal sa kanila, datapuwa’t sila ay nagkaiba-iba, ang ilan sa kanila ay sumampalataya at ang iba ay hindi sumampalataya. At kung ninais ni Allah, sila ay hindi sana makikipaglaban sa isa’t isa, datapuwa’t si Allah ay gumagawa ng Kanyang maibigan

❮ Previous Next ❯

ترجمة: تلك الرسل فضلنا بعضهم على بعض منهم من كلم الله ورفع بعضهم, باللغة الفلبينية

﴿تلك الرسل فضلنا بعضهم على بعض منهم من كلم الله ورفع بعضهم﴾ [البَقَرَة: 253]

Islam House
Ang mga sugong iyon ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba kabilang sa kanila. Mayroon sa kanila na kinausap ni Allāh. Nag-angat Siya sa iba sa kanila sa mga antas. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng mga malinaw na patunay at umalalay sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana naglaban-laban ang mga nahuli na sa kanila nang matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay; subalit nagkaiba-iba sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila naglaban-laban; subalit si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek