×

Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat 2:255 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Al-Baqarah ⮕ (2:255) ayat 255 in Filipino

2:255 Surah Al-Baqarah ayat 255 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 255 - البَقَرَة - Page - Juz 3

﴿ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡحَيُّ ٱلۡقَيُّومُۚ لَا تَأۡخُذُهُۥ سِنَةٞ وَلَا نَوۡمٞۚ لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ مَن ذَا ٱلَّذِي يَشۡفَعُ عِندَهُۥٓ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦۚ يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيۡءٖ مِّنۡ عِلۡمِهِۦٓ إِلَّا بِمَا شَآءَۚ وَسِعَ كُرۡسِيُّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۖ وَلَا يَـُٔودُهُۥ حِفۡظُهُمَاۚ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡعَظِيمُ ﴾
[البَقَرَة: 255]

Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Lalaging Buhay, ang may Sariling Kasapatan, ang Tagapanustos at Nangangalaga ng lahat (ng mga nilalang). Ang antok ay hindi makakapanaig sa Kanya gayundin ang pagkaidlip. Siya ang nag-aangkin ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino kaya baga ang makakapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Talastas Niya kung ano ang nangyayari (sa Kanyang mga nilikha) sa mundong ito (noon, pagkaraan, ngayon, bukas, sa kanilang harapan at sa kanilang likuran), at ang kanilang kasasapitan sa Kabilang Buhay. At sila ay hindi makakapagtamo ng anumang karunungan maliban na Kanyang naisin. Ang Kanyang Kursi (Luklukan) ay humahangga sa mga kalangitan at kalupaan at Siya ay hindi napapagal sa pagbabantay at pagpapanatili sa kanila sapagkat Siya ang Kataas-taasan, ang Sukdol sa Kaluwalhatian. (Ayat-ul-Kursi)

❮ Previous Next ❯

ترجمة: الله لا إله إلا هو الحي القيوم لا تأخذه سنة ولا نوم, باللغة الفلبينية

﴿الله لا إله إلا هو الحي القيوم لا تأخذه سنة ولا نوم﴾ [البَقَرَة: 255]

Islam House
Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Hindi Siya nadadala ng antok ni ng pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa harap Niya malibang ayon pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila pumapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang luklukan Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek