Quran with Filipino translation - Surah Al-Baqarah ayat 259 - البَقَرَة - Page - Juz 3
﴿أَوۡ كَٱلَّذِي مَرَّ عَلَىٰ قَرۡيَةٖ وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا قَالَ أَنَّىٰ يُحۡيِۦ هَٰذِهِ ٱللَّهُ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۖ فَأَمَاتَهُ ٱللَّهُ مِاْئَةَ عَامٖ ثُمَّ بَعَثَهُۥۖ قَالَ كَمۡ لَبِثۡتَۖ قَالَ لَبِثۡتُ يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖۖ قَالَ بَل لَّبِثۡتَ مِاْئَةَ عَامٖ فَٱنظُرۡ إِلَىٰ طَعَامِكَ وَشَرَابِكَ لَمۡ يَتَسَنَّهۡۖ وَٱنظُرۡ إِلَىٰ حِمَارِكَ وَلِنَجۡعَلَكَ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِۖ وَٱنظُرۡ إِلَى ٱلۡعِظَامِ كَيۡفَ نُنشِزُهَا ثُمَّ نَكۡسُوهَا لَحۡمٗاۚ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُۥ قَالَ أَعۡلَمُ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ ﴾
[البَقَرَة: 259]
﴿أو كالذي مر على قرية وهي خاوية على عروشها قال أنى يحيي﴾ [البَقَرَة: 259]
Islam House O gaya ng naparaan sa isang pamayanan samantalang iyon ay gumuho sa mga bubungan niyon. Nagsabi ito: "Paanong magbibigay-buhay rito si Allāh matapos ng kamatayan nito?" Kaya nagbigay-kamatayan dito si Allāh ng isandaang taon, pagkatapos bumuhay Siya rito. Nagsabi Siya: "Gaano ka katagal namalagi?" Nagsabi ito: "Namalagi ako ng isang araw o ng isang bahagi ng isang araw." Nagsabi Siya: "Bagkus namalagi ka ng isandaang taon. Tumingin ka sa pagkain mo at inumin mo, hindi ito nagbago. Tumingin ka sa asno mo, at upang gawin ka Naming isang tanda para sa mga tao. Tumingin ka sa mga buto [ng asno] kung papaano Kaming magbabangon sa mga ito, pagkatapos magbabalot sa mga ito ng laman." Kaya noong luminaw ito sa kanya ay nagsabi siya: "Nalalaman ko na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan |