﴿أَلَمۡ تَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَسۡبَغَ عَلَيۡكُمۡ نِعَمَهُۥ ظَٰهِرَةٗ وَبَاطِنَةٗۗ وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَلَا هُدٗى وَلَا كِتَٰبٖ مُّنِيرٖ ﴾
[لُقمَان: 20]
Hindi baga ninyo napagmamasdan (O sangkatauhan) na ipinailalim ni Allah ang lahat ng bagay para sa inyong (gamit) dito sa kalangitan at kalupaan, at iginawad Niya at ginanap ang Kanyang mga biyaya na tigib na dumadaloy sa inyo sa angkop na sukat, (na kapwa) lantad (alalaong baga, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah at sa Islam, at ang mga pinahihintulutang ligaya sa mundong ito, kasama na rito ang kalusugan, kayamanan, kagandahan, atbp.) at nalilingid (ang pananampalataya ng sinuman kay Allah [at sa Islam], kaalaman, karunungan, patnubay, paggawa ng kabutihan, at gayundin ang kasiyahan sa Kabilang Buhay sa Paraiso, atbp.)? Datapuwa’t mayroong mga tao sa kanilang karamihan ang nakikipagtalo tungkol kay Allah ng walang kaalaman o patnubay, o ng isang Aklat na magbibigay ng kaliwanagan
ترجمة: ألم تروا أن الله سخر لكم ما في السموات وما في الأرض, باللغة الفلبينية
﴿ألم تروا أن الله سخر لكم ما في السموات وما في الأرض﴾ [لُقمَان: 20]
Islam House Hindi ba kayo nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng nasa mga langit at nasa lupa at nagpasagana sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran at pakubli. Mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang isang kaalaman ni isang patnubay ni isang aklat na nagbibigay-liwanag |