×

At kung ikaw (o Tagapagbalita, “Muhammad”) ay nasa lipon nila, at sila 4:102 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nisa’ ⮕ (4:102) ayat 102 in Filipino

4:102 Surah An-Nisa’ ayat 102 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nisa’ ayat 102 - النِّسَاء - Page - Juz 5

﴿وَإِذَا كُنتَ فِيهِمۡ فَأَقَمۡتَ لَهُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَلۡتَقُمۡ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُم مَّعَكَ وَلۡيَأۡخُذُوٓاْ أَسۡلِحَتَهُمۡۖ فَإِذَا سَجَدُواْ فَلۡيَكُونُواْ مِن وَرَآئِكُمۡ وَلۡتَأۡتِ طَآئِفَةٌ أُخۡرَىٰ لَمۡ يُصَلُّواْ فَلۡيُصَلُّواْ مَعَكَ وَلۡيَأۡخُذُواْ حِذۡرَهُمۡ وَأَسۡلِحَتَهُمۡۗ وَدَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ تَغۡفُلُونَ عَنۡ أَسۡلِحَتِكُمۡ وَأَمۡتِعَتِكُمۡ فَيَمِيلُونَ عَلَيۡكُم مَّيۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ إِن كَانَ بِكُمۡ أَذٗى مِّن مَّطَرٍ أَوۡ كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَن تَضَعُوٓاْ أَسۡلِحَتَكُمۡۖ وَخُذُواْ حِذۡرَكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ أَعَدَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا ﴾
[النِّسَاء: 102]

At kung ikaw (o Tagapagbalita, “Muhammad”) ay nasa lipon nila, at sila ay iyong pinamumunuan sa pagdarasal, hayaan ang isang pangkat nila ay magsitindig na kasama ka (sa pagdarasal), na dala-dala ang kanilang mga sandata; at kung matapos na nila ang pagpapatirapa, hayaan silang mamalagi sa likuran at hayaan ang ibang pangkat na hindi pa nakapagdarasal ay lumapit, at hayaan sila na magdasal na kasama ka ng may lahat ng pag-iingat at may hawak na mga sandata. Ang mga hindi sumasampalataya ay nagnanais na kung kayo ay maging pabaya sa inyong mga sandata at mga dala- dalahan, kayo ay lulusubin nila nang minsanan, datapuwa’t hindi isang kasalanan kung ibaba ninyo ang inyong mga sandata (kung nabibigatan) at kung ito ay hindi maginhawa kung umuulan, o sa dahilang kayo ay may karamdaman, datapuwa’t gawin ninyo ang lahat ng pag-iingat sa inyong sarili. Katotohanang si Allah ay naghanda ng kaaba-abang kaparusahan sa mga hindi sumasampalataya

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وإذا كنت فيهم فأقمت لهم الصلاة فلتقم طائفة منهم معك وليأخذوا أسلحتهم, باللغة الفلبينية

﴿وإذا كنت فيهم فأقمت لهم الصلاة فلتقم طائفة منهم معك وليأخذوا أسلحتهم﴾ [النِّسَاء: 102]

Islam House
Kapag ikaw ay nasa kanila at namuno ka sa kanila sa pagdarasal, tumayo ang isang pangkatin kabilang sa kanila kasama sa iyo at magdala sila ng mga sandata nila. Kapag nagpatirapa sila, sila ay maging nasa likuran ninyo, pumunta ang isa pang pangkatin na hindi nakapagdasal at magdasal sila kasama sa iyo, at magdala sila ng pag-iingat nila at mga sandata nila. Nag-asam ang mga tumangging sumampalataya na kung sana nalilingat kayo sa mga sandata ninyo at mga dala-dalahan ninyo at susugod sila sa inyo nang nag-iisang pagsugod. Walang maisisisi sa inyo kung mayroon kayong isang kapinsalaan mula sa ulan o kayo ay mga may-sakit, na maglapag kayo ng mga sandata ninyo ngunit magdala kayo ng pag-iingat ninyo. Tunay na si Allāh ay naghanda para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek