×

O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sa 4:171 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nisa’ ⮕ (4:171) ayat 171 in Filipino

4:171 Surah An-Nisa’ ayat 171 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nisa’ ayat 171 - النِّسَاء - Page - Juz 6

﴿يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَا تَغۡلُواْ فِي دِينِكُمۡ وَلَا تَقُولُواْ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡحَقَّۚ إِنَّمَا ٱلۡمَسِيحُ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ رَسُولُ ٱللَّهِ وَكَلِمَتُهُۥٓ أَلۡقَىٰهَآ إِلَىٰ مَرۡيَمَ وَرُوحٞ مِّنۡهُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۖ وَلَا تَقُولُواْ ثَلَٰثَةٌۚ ٱنتَهُواْ خَيۡرٗا لَّكُمۡۚ إِنَّمَا ٱللَّهُ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓ أَن يَكُونَ لَهُۥ وَلَدٞۘ لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا ﴾
[النِّسَاء: 171]

O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sa hangganan ng pananampalataya, at huwag din kayong magsabi ng tungkol kay Allah maliban sa katotohanan. Ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ay (hindi hihigit pa) sa isang Tagapagbalita ni Allah at Kanyang Salita (“Mangyari nga!”, at ito ay magaganap) na Kanyang iginawad kay Maria at isang Ruh (espiritu) na Kanyang nilikha (alalaong baga, ang kaluluwa ni Hesus ay nilikha ni Allah, samakatuwid siya ay Kanyang alipin, at si Allah at ang espiritu ay hindi magkapantay o magkatulad); kaya’t manampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Huwag kayong mangusap ng: “Trinidad (o Tatlo)!” Magsitigil! (Ito ay) higit na mainam sa inyo. Sapagkat si Allah (ang tanging) Nag-iisang Diyos, ang Kaluwalhatian ay sa Kanya, (higit Siyang mataas) kaysa (sa lahat) upang magkaroon ng anak. Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At si Allah ay Lalagi at Sapat na upang maging Tagapamahala ng lahat ng mga pangyayari

❮ Previous Next ❯

ترجمة: ياأهل الكتاب لا تغلوا في دينكم ولا تقولوا على الله إلا الحق, باللغة الفلبينية

﴿ياأهل الكتاب لا تغلوا في دينكم ولا تقولوا على الله إلا الحق﴾ [النِّسَاء: 171]

Islam House
O mga May Kasulatan, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kundi ng totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya. Huwag kayong magsabi ng tatlo. Tumigil kayo; mabuti [ito] para sa inyo. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang. Kaluwalhatian sa Kanya na magkaroon Siya ng isang anak. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek