×

Ipinagbabawalsainyo(okalalakihan, namapangasawa) ang (mga sumusunod): ang inyong ina, anak na babae, kapatid 4:23 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nisa’ ⮕ (4:23) ayat 23 in Filipino

4:23 Surah An-Nisa’ ayat 23 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nisa’ ayat 23 - النِّسَاء - Page - Juz 4

﴿حُرِّمَتۡ عَلَيۡكُمۡ أُمَّهَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُمۡ وَعَمَّٰتُكُمۡ وَخَٰلَٰتُكُمۡ وَبَنَاتُ ٱلۡأَخِ وَبَنَاتُ ٱلۡأُخۡتِ وَأُمَّهَٰتُكُمُ ٱلَّٰتِيٓ أَرۡضَعۡنَكُمۡ وَأَخَوَٰتُكُم مِّنَ ٱلرَّضَٰعَةِ وَأُمَّهَٰتُ نِسَآئِكُمۡ وَرَبَٰٓئِبُكُمُ ٱلَّٰتِي فِي حُجُورِكُم مِّن نِّسَآئِكُمُ ٱلَّٰتِي دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَإِن لَّمۡ تَكُونُواْ دَخَلۡتُم بِهِنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ وَحَلَٰٓئِلُ أَبۡنَآئِكُمُ ٱلَّذِينَ مِنۡ أَصۡلَٰبِكُمۡ وَأَن تَجۡمَعُواْ بَيۡنَ ٱلۡأُخۡتَيۡنِ إِلَّا مَا قَدۡ سَلَفَۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا ﴾
[النِّسَاء: 23]

Ipinagbabawalsainyo(okalalakihan, namapangasawa) ang (mga sumusunod): ang inyong ina, anak na babae, kapatid na babae, kapatid na babae ng inyong ama, kapatid na babae ng inyong ina, anak na babae ng inyong kapatid na lalaki, anak na babae ng inyong kapatid na babae, ang babae na umampon sa inyo na nagpasuso sa inyo, ang inyong kinakapatid na babae (kapatid sa ina), ang ina ng inyong kabiyak, ang inyong anak-anakang babae na nasa ilalim ng inyong pangangalaga, na naging anak (sa una o ibang asawa) ng inyong kabiyak na inyong sinipingan, - datapuwa’t ito ay hindi kasalanan sa inyo kung kayo ay hindi sumiping sa kanya (sa inyong kabiyak na siyang ina ng inyong anak- anakang babae), ang naging asawa ng inyong anak na lalaki na nanggaling sa himaymay ng inyong laman, at dalawang magkapatid na babae na inyong pinangasawa nang sabay, maliban na lamang sa nangyari noong una; sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

❮ Previous Next ❯

ترجمة: حرمت عليكم أمهاتكم وبناتكم وأخواتكم وعماتكم وخالاتكم وبنات الأخ وبنات الأخت وأمهاتكم, باللغة الفلبينية

﴿حرمت عليكم أمهاتكم وبناتكم وأخواتكم وعماتكم وخالاتكم وبنات الأخ وبنات الأخت وأمهاتكم﴾ [النِّسَاء: 23]

Islam House
Ipinagbawal sa inyo [na mapangasawa] ang mga ina ninyo, ang mga babaing anak ninyo, ang mga babaing kapatid ninyo, ang mga tiyahin ninyo sa ama, ang mga tiyahin ninyo sa ina, ang mga babaing anak ng lalaking kapatid ninyo, ang mga babaing anak ng babaing kapatid ninyo, ang mga ina ninyo na nagpasuso sa inyo, ang mga babaing kapatid ninyo sa pagpapasuso, ang mga ina ng mga maybahay ninyo, ang mga babaing anak na panguman ninyong nasa ilalim ng pangangalaga ninyo mula sa mga maybahay ninyong nakipagtalik kayo sa kanila, subalit kung hindi kayo nakipagtalik sa kanila ay walang maisisisi sa iyo, ang mga maybahay ng mga lalaking anak ninyo mula sa mga gulugod ninyo, at na pagsabayin ninyo ang dalawang magkapatid na babae, maliban sa nagdaan na. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek