×

Gayundin (ay ipinagbabawal) ang mga babaeng may asawa na, maliban sa angkin 4:24 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nisa’ ⮕ (4:24) ayat 24 in Filipino

4:24 Surah An-Nisa’ ayat 24 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nisa’ ayat 24 - النِّسَاء - Page - Juz 5

﴿۞ وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۖ كِتَٰبَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ وَأُحِلَّ لَكُم مَّا وَرَآءَ ذَٰلِكُمۡ أَن تَبۡتَغُواْ بِأَمۡوَٰلِكُم مُّحۡصِنِينَ غَيۡرَ مُسَٰفِحِينَۚ فَمَا ٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهِۦ مِنۡهُنَّ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ فَرِيضَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا تَرَٰضَيۡتُم بِهِۦ مِنۢ بَعۡدِ ٱلۡفَرِيضَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا ﴾
[النِّسَاء: 24]

Gayundin (ay ipinagbabawal) ang mga babaeng may asawa na, maliban sa angkin ng inyong kanang kamay (bilang bihag). Sa ganito ipinag-utos ni Allah (ang bawal) sa inyo. Ang lahat ng iba pa ay pinapayagan sa inyo, ngunit marapat na hinanap ninyo (bilang asawa na pakakasalan) na may kaloob na Mahr (dote o handog na ibinibigay ng lalaki sa kanyang mapapangasawa sa panahon ng kasal) mula sa inyong ari-arian, na naghahangad ng kalinisan at hindi kahalayan (bawal na pakikipagtalik). Kaya’t sila na inyong nakapiling sa pagtatamasa ng kaligayahan sa pakikipagtalik, sila ay inyong gawaran ng takdang Mahr (dote o handog), datapuwa’t kung ang Mahr (dote o handog) ay naitalaga na at inyong napagkasunduan (na magbigay pa ng higit), ito ay hindi kasalanan sa inyo. Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nakakaalam, ang Tigib ng Karunungan

❮ Previous Next ❯

ترجمة: والمحصنات من النساء إلا ما ملكت أيمانكم كتاب الله عليكم وأحل لكم, باللغة الفلبينية

﴿والمحصنات من النساء إلا ما ملكت أيمانكم كتاب الله عليكم وأحل لكم﴾ [النِّسَاء: 24]

Islam House
[Ipinagbawal din] ang mga nakapag-asawa kabilang sa mga babae maliban sa minay-ari ng mga kanang kamay ninyo, bilang pagtatakda ni Allāh para sa inyo. Ipinahintulot sa inyo ang anumang iba pa roon, [sa kundisyon] na maghangad kayo kapalit ng [bigay-kaya mula sa] mga yaman ninyo bilang mga nanananggalang sa pangangalunya hindi mga nangangalunya. Ang nagpakaligaya kayo kabilang sa kanila ay magbigay kayo sa kanila ng mga pabuya sa kanila bilang tungkuling regalo. Walang maisisisi sa inyo kaugnay sa nagkaluguran kayo nang matapos ng [pagtatakda ng regalong] tungkulin. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek