×

Ang kalalakihan ang tagapangalaga at tagapanustos ng kababaihan, sapagkat ginawa ni Allah 4:34 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nisa’ ⮕ (4:34) ayat 34 in Filipino

4:34 Surah An-Nisa’ ayat 34 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nisa’ ayat 34 - النِّسَاء - Page - Juz 5

﴿ٱلرِّجَالُ قَوَّٰمُونَ عَلَى ٱلنِّسَآءِ بِمَا فَضَّلَ ٱللَّهُ بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ وَبِمَآ أَنفَقُواْ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡۚ فَٱلصَّٰلِحَٰتُ قَٰنِتَٰتٌ حَٰفِظَٰتٞ لِّلۡغَيۡبِ بِمَا حَفِظَ ٱللَّهُۚ وَٱلَّٰتِي تَخَافُونَ نُشُوزَهُنَّ فَعِظُوهُنَّ وَٱهۡجُرُوهُنَّ فِي ٱلۡمَضَاجِعِ وَٱضۡرِبُوهُنَّۖ فَإِنۡ أَطَعۡنَكُمۡ فَلَا تَبۡغُواْ عَلَيۡهِنَّ سَبِيلًاۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيّٗا كَبِيرٗا ﴾
[النِّسَاء: 34]

Ang kalalakihan ang tagapangalaga at tagapanustos ng kababaihan, sapagkat ginawa ni Allah na ang isa sa kanila ay manaig (sa lakas) kaysa sa iba, at sapagkat sila ay gumugugol (upang sila ay tustusan) mula sa kanilang kakayahan. Samakatuwid, ang matutuwid na kababaihan ay matimtiman sa pagsunod (kay Allah at sa kanilang asawa), at nangangalaga sa panahong wala ang (kanilang asawa) sa bagay na ipinag-utos ni Allah na dapat nilang bantayan (alalaong baga, ang kalinisan ng kanilang pagkababae, ang ari-arian ng kanilang asawa, atbp.). At sa kababaihan na sa kanilang sarili ay namamasdan ninyo ang kanilang masamang gawa, (sa una) sila ay pangaralan, (pangalawa) huwag sumiping sa kanila, (at panghuli) saktan sila (ng kanti lamang, kung ito ay makakatulong), datapuwa’t kung sila ay magbalik loob sa pagsunod, sila ay huwag ninyong hanapan (ng pagkayamot). Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Pinakamataas, ang Pinakadakila

❮ Previous Next ❯

ترجمة: الرجال قوامون على النساء بما فضل الله بعضهم على بعض وبما أنفقوا, باللغة الفلبينية

﴿الرجال قوامون على النساء بما فضل الله بعضهم على بعض وبما أنفقوا﴾ [النِّسَاء: 34]

Islam House
Ang mga lalaki ay mga tagapagpanatili ng mga babae dahil nagtangi si Allāh sa iba sa kanila higit sa iba at dahil gumugol sila mula sa mga yaman nila. Kaya ang mga maayos na babae ay mga masunurin, mga tagaingat sa pagkaliban [ng mga asawa] sa iningatan ni Allāh. Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa kapalaluan nila ay pangaralan ninyo sila, iwan ninyo sila sa mga higaan [kung nagpupumilit], at paluin ninyo sila [kung tumanggi pa]; ngunit kung tumalima sila sa inyo ay huwag kayong maghanap laban sa kanila ng isang paraan. Tunay na si Allāh ay laging Mataas, Malaki
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek