×

Hindi isang katampatan para sa isang sumasampalataya na pumatay sa isang sumasampalataya 4:92 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah An-Nisa’ ⮕ (4:92) ayat 92 in Filipino

4:92 Surah An-Nisa’ ayat 92 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah An-Nisa’ ayat 92 - النِّسَاء - Page - Juz 5

﴿وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٍ أَن يَقۡتُلَ مُؤۡمِنًا إِلَّا خَطَـٔٗاۚ وَمَن قَتَلَ مُؤۡمِنًا خَطَـٔٗا فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖ وَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦٓ إِلَّآ أَن يَصَّدَّقُواْۚ فَإِن كَانَ مِن قَوۡمٍ عَدُوّٖ لَّكُمۡ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ وَإِن كَانَ مِن قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٞ فَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ وَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ شَهۡرَيۡنِ مُتَتَابِعَيۡنِ تَوۡبَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا ﴾
[النِّسَاء: 92]

Hindi isang katampatan para sa isang sumasampalataya na pumatay sa isang sumasampalataya maliban na lamang sa (o kung) pagkakamali (na hindi sinasadya), ang sinumang pumatay sa isang sumasampalataya nang hindi sinasadya, (rito ay ipinag-uutos) na siya ay marapat na magpalaya ng isang nananampalatayang alipin at isang diya (kabayaran o tubos sa dugo) na nararapat ibigay sa kamag-anakan ng namatay, maliban na lamang kung ito ay kanilang ipaubaya (ipatawad). Kung ang namatay ay kabilang sa mga tao na kumakalaban sa inyo at siya ay isang nananampalataya; ang pagpapalaya sa isang nananampalatayang alipin (ay itinatalaga, at hindi ang pagbabayad ng diya), at kung siya ay nabibilang sa mga tao na mayroon kayong kasunduan ng pagkakampihan at pagkamatapat (sa isa’t isa), ang diya (kabayaran o tubos sa dugo) ay marapat na ibayad sa kanyang kamag-anakan at ang isang nananampalatayang alipin ay marapat na palayain. At kung sinuman ang walang kakayahan (na matupad ang parusa sa pagpapalaya ng isang alipin), siya ay nararapat na mag-ayuno ng dalawang magkasunod na buwan upang kayo ay makahanap ng pagsisisi kay Allah. At si Allah ay Ganap na Nakakaalam, ang Lubos na Maalam

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وما كان لمؤمن أن يقتل مؤمنا إلا خطأ ومن قتل مؤمنا خطأ, باللغة الفلبينية

﴿وما كان لمؤمن أن يقتل مؤمنا إلا خطأ ومن قتل مؤمنا خطأ﴾ [النِّسَاء: 92]

Islam House
Hindi nangyaring ukol sa isang mananampalataya na makapatay ng isang mananampalataya malibang dala ng isang pagkakamali. Ang sinumang nakapatay ng isang mananampalataya dala ng isang pagkakamali, [ang panakip-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya at isang pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito, malibang magkawanggawa sila. Kaya kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong kaaway para sa inyo at siya ay isang mananampalataya, [ang panakip-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya. Kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may isang kasunduan, [ang panakip-sala ay] pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito at pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya; ngunit ang sinumang hindi makatagpo, [ang panakip-sala ay] pag-aayuno ng dalawang buwang magkakasunod bilang paghiling ng pagbabalik-loob mula kay Allāh. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek