×

At ikaw (o Muhammad) ay binigyan Namin ng Qur’an (sa wikang Arabik) 42:7 Filipino translation

Quran infoFilipinoSurah Ash-Shura ⮕ (42:7) ayat 7 in Filipino

42:7 Surah Ash-Shura ayat 7 in Filipino (الفلبينية)

Quran with Filipino translation - Surah Ash-Shura ayat 7 - الشُّوري - Page - Juz 25

﴿وَكَذَٰلِكَ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا لِّتُنذِرَ أُمَّ ٱلۡقُرَىٰ وَمَنۡ حَوۡلَهَا وَتُنذِرَ يَوۡمَ ٱلۡجَمۡعِ لَا رَيۡبَ فِيهِۚ فَرِيقٞ فِي ٱلۡجَنَّةِ وَفَرِيقٞ فِي ٱلسَّعِيرِ ﴾
[الشُّوري: 7]

At ikaw (o Muhammad) ay binigyan Namin ng Qur’an (sa wikang Arabik) upang iyong mapaalalahanan ang Ina ng mga Lungsod (Makkah) at ang nakapaligid dito, at upang bigyang babala (sila) ng Araw ng Paghahanay na walang alinlangan; (na kung saan) ang ibang pangkat ay tutungo sa Halamanan (Paraiso, alalaong baga, sila na sumampalataya kay Allah at sumunod sa anumang ipinahayag sa kanila ng Tagapagbalita ni Allah), at ang ibang pangkat ay (tutungo) sa Naglalagablab na Apoy (Impiyerno, alalaong baga, ang hindi sumampalataya kay Allah at sumuway sa ipinahayag ng Tagapagbalita ni Allah)

❮ Previous Next ❯

ترجمة: وكذلك أوحينا إليك قرآنا عربيا لتنذر أم القرى ومن حولها وتنذر يوم, باللغة الفلبينية

﴿وكذلك أوحينا إليك قرآنا عربيا لتنذر أم القرى ومن حولها وتنذر يوم﴾ [الشُّوري: 7]

Islam House
Gayon Kami nagkasi sa iyo ng isang Qur’ān na Arabe upang magbabala ka sa Ina ng mga Pamayanan at sinumang nasa paligid nito at magbabala ka ng Araw ng Pagtipon, na walang pag-aalinlangan hinggil doon. May isang pangkat sa Hardin at may isang pangkat sa Liyab
❮ Previous Next ❯

Verse in more languages

Transliteration Bangla Bosnian German English Persian French Hindi Indonesian Kazakh Dutch Russian Spanish Turkish Urdu Uzbek